Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

The Possession?, Tsitsarap!, Zooperstars, at Yaman ng Tahanan sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'


Laman ng usap-usapan ngayon ang 18 estudyante sa eskwelahan ng Barangay Toril sa DavaoCity na sinapian diumano ng mga kaluluwang ligaw. Ang itinuturong dahilan ng diumano'y pagsanib sa mga estudyante, ang pagputol dito ng puno ng talisay. Gaano nga ba ito katotoo? Sari-sari na ang mga bersyon ng chicharon dito sa Pilipinas. Tulad na lang sa Tuguegarao, balat ng kalabaw ang ginagawa nilang chicharon- Chicharabao! Sigurado namang hindi kukunat ang mga chicharon sa Davao dahil ang kanilang naimbento, microwaveable chicharon!
Hindi lang mga tao ang maituturing na celebrities, pati na rin mga hayop! Tulad na lang ng asong si Princess na matapos bumida sa pelikulang Bwakaw, starring role na rin siya sa bagong telefantasya na "Aso ni San Roque". Kilalanin din ang baboy na si Pig-ibig at ang unggoy na si Gibi, mga hayop naging star sa mga patalastas! Alam ba natin talaga ang value o halaga ng mga gamit sa ating tahanan?  Si Jerry, pinamanahan ng ama niyang gerilya noong World War II ng isa diumanong samurai. Pero imbes na ipagbenta ito, nais itong ibalik ni Jerry sa pamilya ng Hapon na nagmamay-ari nito.  Sa tulong ng Japanese Embassy at ng mga eksperto, kikilatisin kung awtentiko nga bang samurai ang nasa bahay ni Jerry. Abangan ang Kapuso Mo, Jessica Soho bukas, Sabado, 8PM sa GMA Ch. 7!