Filtered By: Topstories
News

Nasawi sa bagyong 'Frank' umabot na sa 361 - DOH


MANILA – Umabot na sa 361 ang bilang ng mga namatay sa bagyong “Frank," karamihan ay galing sa Western Visayas, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Martes. Ayon kay Health undersecretary Mario Villaverde, 291 tao ang kumpirmadong namatay, kung saan 216 sa kanilang ay galing sa Western Visayas. Idinagdag ni Villaverde na ang lalawigan ng Iloilo ang pinakahinagupit ng bagyo. Hindi kasama sa bilang ang 70 katawan na nakuha na pinapaniwalaang pasahero ng tumaob na MV Princess of the Stars sa Sibuyan, Romblon. “Number of deaths as of 5 p.m. in Region 6 totaled to 216 with all provinces reporting," ayon sa opisyal. Ang bilang ng mga nasaktan ay umabot naman sa 166. Wala ng ibang detalye tungkol dito. “Right now as of 5 p.m., the total number of reported deaths, all confirmed, is 291. This is due to the Typhoon Frank. We have a total number of confirmed deaths, 291 and number of injured 166. Most of these deaths and injuries occurred in Region 6," pahayag ni Villaverde. Ayon sa naunang pahayag ng Philippine Coast Guard, 70 katawan na ang nakuha na pinapaniwalaang galing sa tumaob na barko at 48 ang nakaligtas. - GMANews.TV