Filtered by: Topstories
News

Mga pasahero ng 'MV Princess' hindi nakinig sa kapitan - saksi


MANILA - Karamihan sa mga pasahero ng MV Princess of the Stars ang nagdesisyong manatili sa loob ng barko sa kabila ng panawagan ng kapitan na umalis dito. Ito ang testimonya ni Fel Gilig, apprentice engineer ng barko, sa pagdinig na isinagawa ng Board of Marine Inquiry (BMI) tungkol sa paglubog ng ‘MV Princess’ asa kasagsagan ng bagyong ‘Frank’ noong Hunyo 21. Ayon kay Gilig, maraming pasahero ang nagpa-iwan habang lumulubog na ang barko. Iginiit din niya na dalawang ulit na sinabi ng kapitan na si Florencio Marimon ang utos bandang 11:30 ng umaga. Mahigit 700 pasahero ang sakay ng MV Princess ng itaob ito ng malalakas na alon, pahayag ni Gilig. Nagsagawa ng executive session ang panel members ng BMI at opisyal ng Sulpicio Lines sa pakiusap ng abogado ng kumpanya na si Arthur Lim. Humingi ng pahintulot si Lim na maglabas ng saksi sa pagdinig. Ipinamamadali sa BMI ang pagresolba ng kaso. - Mark Joseph Ubalde, GMANews.TV.
Find out your candidates' profile
Find the latest news
Find out individual candidate platforms
Choose your candidates and print out your selection.
Voter Demographics
LOADING CONTENT