Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Biyayang nakamit sa Iraq


Magandang araw po sa inyo, Narito po ako upang ibahagi ko ang aking grasya na natatamo rito sa bansang Iraq. May mga taon na nagdaan na hindi naging maganda at maunlad ang buhay ko sa bansa ng Korea. Subalit masasabing masaya ang pamumuhay doon dahil maraming tanawin at maraming mapupuntahan subalit mabilis maubos ang pinaghirapan. Taong 2004 nang ako ay bumalik ng Pinas upang mag-aral ng caregiver. Ito kasi ang pinag-uusapan noon at madali raw makapunta ng Canada. Taong 2005, ako at ang aking kaibigan ay nagdesisyon na pumunta ng Dubai upang madaling makapunta ng bansang Canada. Subalit kami ay ‘di nagwagi dahil napakahirap ng maghanap ng trabaho sa Dubai dahil napakarami na rin ng ibang lahi ang nandoon at naghahanap ng trabaho. Makalipas ang isang buwan namin sa Dubai, meron kaming nakita na agency na nagpapadala ng tao sa Iraq. Kinagat na namin yun para makakuha kami ng trabaho kaysa bumalik sa Pinas. Lalo na nang madinig namin na ang pasahod ay $700 a month. Dito sa company na kumuha sa amin, kami ay tumagal ng isang taon bilang admin assistant. After 1 year, nagustuhan ng supervisor at mga managers dito ang performance namin ng kaibigan ko. Kami ay ipinatawag at sinabihan na gagawing Direct Hire mismo ng isang napakalaking company dito sa Iraq. Hindi kami makapaniwala dahil isang napakalaking biyaya at hulog iyon ng Langit sa amin. Taong 2006 inayos lahat ng company ang aming mga papeles na dapat namin pirmahan. Kami ay pinadala pabalik sa Dubai upang doon magpa-medical ng walang kagastos-gastos. Binigyan pa kami ng sapat na pera na panggastos namin sa araw-araw. Hanggang ngayon masaya kami ng kaibigan ko dahil maayos ang aming trabaho. Talagang masasabi ko na napakaswerte namin dahil sa biyaya na aming natamo at malaking sahod na $5,000. Narito po ako upang ipaabot sa ating bansa na sana buksan ng ating pamahalaan ang kanilang mga MATA lalo na si Pangulong Arroyo. Dito sa Iraq ay maginhawa ang buhay at maganda ang trabaho, dahil napakaayos ng palakad ng mga Amerikano pagdating sa trabaho. Kung dyan sa kami Pinas magtratrabaho, hindi namin matatamo ang ganitong grasya at kaginhawaan sa buhay. Kami ay makabili ng aming bahay sa loob lamang ng isang taon na nagkakahalaga ng milyon. Bakit ba ang BAN ay hindi alisin? Dahil ba sa sinasabi na magulo rito? Kailan naging magulo rito gayun kung titingnan nga natin, mas magulo pa dyan sa Pinas. Kung bibilangin natin ang mga taong namamatay dyan sa Pinas araw-araw, mas labis pa kaysa Iraq. Dyan merong nakawan, merong barilan at kung ano-ano pa. Dito sa Iraq puro trabaho lang at libre pa ang lahat. Dyan sa Pinas makakain ba tayo ng libre sa araw-araw? ang sagot, HINDI. Patawarin nyo po ako kung tatawagain ko ang mga taong nakaupo sa ating pamahalaan ay DUWAG! Duwag sila na alisin ang BAN dahil sinasabi nila na WAR daw dito, nakakatawa naman talaga sila. Sana alisin na nila ang BAN upang kami ay hindi na mahirapan magbakasyon at masilayan naman namin ang bansang Pinas kahit papaano at makabalik dito sa aming trabaho. Hanggang kailan ba tayo magiging ganito at katawa-tawa sa mata ng ibang bansa? Mas gusto pa nating pagtawanan tayo ng ibang tao at tawaging mga duwag? Hindi naman siguro. Sabi nila, ang Pilipinas daw ay isang matalinong bansa. Oo, maaaring tama, pero ang mga taong nasa pamahalaan ginagamit nila ang katalinuhan nila sa hindi maganda. Masarap ba ang mangurakot? Masarap bang makita ang bansang Pilipinas ay nahahalintulad na sa bansang Africa? Kayo mga kababayan ko anong tingin nyo sa bansa natin? Masaya ba kayo? Gumagalang, Anonymous ng Iraq Mga Kapusong Pinoy! Nagpapasalamat po kami sa patuloy ninyong pagtangkilik sa ating Pinoy Abroad section ng GMANews.TV. Nakakataba ng puso ang inyong pagtitiwala na ibahagi ang inyong saloobin sa ating Kwentong Kapuso na tunay naman nagbibigay ng inspirasyon at kinapupulutan ng impormasyon ng ating mga kababayan. Kaya muli po, iniimbitihan namin kayo na patuloy na magpadala ng inyong maikling kwento, tula, awitin, litrato, at iba pang sariling katha tungkol sa iyong karanasan. Hindi natin alam baka kapulutan pa ito ng aral ng iba nating Kapuso na nasa ibang bansa o nagbabalak pa lang makipagsapalaran sa labas ng Pilipinas. Maaaring ang inyong ibabahagi ay magsilbing inspirasyon sa mga kababayan natin nalulungkot at nangungulila sa kanilang mahal sa buhay. Ito ang pagkakataon na makapagkwento ka, magbahagi ng inyong pananaw o magpaabot ng iyong saloobin. Masaya, malungkot, tungkol sa tagumpay o kabiguan o kahit wala lang...makapag-kwento lang at magkaroon ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa ating mga kababayan saan man dako sa mundo. Kaya ibalita na sa ating mga kababayan ang Kwentong Kapuso at mag-email sa Pinoyabroad@gmanews.tv. Lagi ring bisitahin ang ating website na www.gmanews.tv para sa mga sariwang balita, impormasyon at iba pa sa loob man o labas ng Pilipinas. Maraming salamat po sa inyong pagtitiwala mga Kapuso!