Filtered By: Showbiz
Showbiz

Richard torn between leading ladies Heart and KC


First time daw muli na nagkaroon ng kasamang leading lady si Richard Gutierrez sa billboard ng bago niyang series sa GMA 7, ang Codename: Asero. Pero ayon kay Richard, siya raw mismo ang nag-suggest kung puwedeng kasama niya si Heart Evangelista sa billboard. "Maganda kasi yung team namin dito ni Heart. At saka sa storyline, maganda yung chemistry namin. At saka para iba, para bago. Maganda, maganda yung billboard. I'm very happy," pahayag ni Richard sa PEP (Philippine Entertainment Portal). Naging magkaibigan daw talaga sila ni Heart dahil sa pagsasama nila sa Asero. "Okey kami, actually, sobrang okey kami," sabi ni Richard. "Totoong magkaibigan kami, ganoon. Naging magkaibigan lang kami nang sobra after ng Dubai. Kilalang-kilala ko siya, kilalang-kilala niya ako. Wala kaming itinatago sa isa't isa. And I'm very happy for her dahil masaya siya ngayon at talagang moving forward siya, and she has a lot of goals. I'm here to support her." Hindi naman itinanggi ni Richard na naging shoulder to cry on talaga siya ni Heart during her breakup stage with ex-boyfriend Jericho Rosales. "Well, nandoon kasi ako noong time na kailangan niya ng kaibigan. Kailangan niya ng taong makikinig sa kanya, ako yung taong yun. Pinakinggan ko siya. Noong time na yun, sinabi ko lang sa kanya na kung ano ang nagpapasaya sa kanya, yun ang importante. Sinabi ko rin naman sa kanya na mag-focus muna siya sa work kasi, ‘eto nga, binigyan siya ng GMA ng another chance. So sabi ko, focus muna siya." Kahit marami na raw siyang primetime series na ginawa, naniniwala si Richard na napakalaki raw ng kaibahan ng Codename: Asero. "Well, every time naman na gumagawa ako ng soap, I try to advance myself. I try to become better with my craft. Siguro as I mature also, nagma-mature rin ang character na pino-portray ko. And this time talaga, tinutukan ko. I was part of the team. So masaya ko dahil binigyan ako ng opportunity na ganoon." TORN BETWEEN TWO LEADING LADIES. Aminado naman si Richard na mahirap talaga ang kalagayan niya ngayon na may magkaiba siyang leading ladies; isang pang-telebisyon at isang pang-pelikula. Kung si Heart ang ka-partner niya sa TV, si KC Concepcion naman sa pelikula. "Actually, mahirap!" natatawang sabi ng bagong endorser ng Forever Flawless. "Kasi yun nga, magte-taping ako ‘tapos magsu-shooting. Siyempre, mahirap lang." Although, biro niya, hindi pa naman daw umaabot sa level na napagpapalit niya ang pangalan ng dalawang leading ladies niya kapag tinatawag niya. "Pero alam n'yo, ngayon kasi, I'm just very happy that I have a lot of projects that are given to me. Kahit na mahirap yung trabaho, masaya pa rin ako. Kasi yun nga, marami akong nami-meet na mga tao. "Ngayon, I'm working with Star Cinema. So, nami-meet ko rin yung team nila and how they make movies. So, I'm meeting a lot of things and I'm very happy. Right now talaga, ang focus ko sa work ko." But when asked kung ano ang kaibahan ng closeness niya kay KC at kay Heart, natatawa niyang sinabi na, "Pagkatapos ng Greece, doon ko siguro masasagot kung ano ang difference. So abangan n'yo na lang." But then, Richard believes na iba na naman daw kasi ang mga fans ngayon. "Ngayon kasi ang mga fans, kapag nire-report sa akin, yung mga fans mo nakakaintindi. Naiintindihan nila. Open-minded na ngayon ang mga fans. May ibang fan base si Heart at may ibang fan base si KC." Excited na raw siya sa pagpuntang Greece. Incidentally, kasabay ng pilot day ng Codename: Asero ang pag-alis nina Richard at KC papuntang Greece para mag-shooting ng For The First Time. Ayon kay Richard, dream destination daw kasi nilang dalawa ni KC ang Greece. "Si KC kasi, hindi pa siya nakakapunta doon. Nalibot na niya ang buong Europe, pero ang Greece, hindi pa. Ang sarap kasama ni KC at saka ang bait niya. Lahat ng tao, talagang masaya sa set. Pati si Direk Joyce Bernal, masayang kasama," lahad ng young actor. Kuwento rin ni Richard, pareho na raw nakadalaw ang mga ina nila ni KC na sina Annabelle Rama at Sharon Cuneta sa shooting nila. Pero itinanggi ni Richard ang balitang kinausap silang masinsinan ni Sharon. "Hindi naman," sabi ni Richard. "Nandoon kami sa set, nag-uusap kami. Dumalaw siya, may dalang pagkain. Nakipag-bonding sa aming lahat. Ganoon lang, normal na bisita lang. Tumigil muna ng konti sa shoot, bonding muna lahat. Wala naman kaming maitatago and nothing to hide naman kung anuman ang napagkuwentuhan namin." - Philippine Entertainment Portal