Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

Pag-endorso sa Lucida-DS binitiwan ni Legarda

MANILA – Pinapaalis na ni Senador Loren Legarda ang mga billboards na nagpapakita na iniindorso niya ang kontrobersyal na skin whitening product na Lucida-DS.

Sa isang pahayag nitong Miyerkules, inutusan ni Legarda ang mga nasa likod ng produkto na baklasin ang kanyang mga billboard sa loob ng isang araw.

Ang pahayag ni Legarda ay ginawa ilang araw matapos lumabas ang pagsusuri ng Bureau of Food and Drugs (BFAD) sa Lucida-DS na kulang umano sa taglay na glutathione batay sa nakasaad sa pakete.

Inutos ng BFAD sa importer at distributor ng Lucida-DS na bawiin o alisin sa merkado ang mga paketeng sinuri ng ahensya.

“As an advocate of consumer welfare and protection, I will not tolerate misrepresentation of facts by any importer, distributor or manufacturer of consumer products that tend to deceive the consumer," pagdiin ni Legarda.

Hiniling din ng senadora sa United Shelter Health Products, nasa likod ng Lucida-DS na ipaliwanag sa publiko ang resulta ng pagsusuri ng BFAD.

Samantala, inihayag ng mga opisyal ng distributor ng Lucida-DS at Vaniderm dietary supplement na posibleng nabahiran ng pulitika ang pagsusuri sa naturang produkto.

Ayon kay Ronald Raguero, presidente at CEO ng United Shelter Health Products, posibleng ang pagkakaroon ng endorser na pulitiko (Legarda) ang dahilan kaya pinag-initan ang kanilang produkto.

“Alam naman ninyo na isa sa mga endorsers namin ay politician. Baka yung galit kay senator o [yung] kalaban niya ay baka nagre-react dito kaya medyo iniipit kami," pahayag ni Raguero. - Fidel Jimenez, GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
Mga kandidato umarangkada sa unang araw ng kampanya
02/09/2010 | 11:20 PM
MANILA – Kanya-kanyang gimik, pagpapapogi at paninira sa kalaban ang bumungad sa unang araw ng kampanya nitong Martes para sa mga kandidato sa pambansang posisyon sa darating na halalan sa Mayo. More
Pagdakip sa 43 health workers sisiyasatin ng Senado
02/09/2010 | 09:28 PM
MANILA – Kahit nakabakasyon ang Kongreso, naghain ng resolusyon si Sen. Pia Cayetano sa kapulungan para imbestigahan ang pag-aresto sa 43 health workers sa Morong, Rizal na pinaghihinalaang... More
Pagdanganan pinayagan ng umupo bilang gobernador ng Bulacan
02/09/2010 | 08:44 PM
MANILA – Opisyal ng manunungkulan bilang gobernador ng Bulacan si dating Agrarian Reform Secretary Roberto Pagdanganan matapos ibasura ng Commission on Elections (Comelec) ang apela ng pinatalsik... More
Feb 16, 2010: Huling araw ng aplikasyon ng WWII vets para sa US benefits
02/09/2010 | 06:34 PM
MANILA – May isang linggo pa para makapagsumite ng aplikasyon ang mga Pilipinong beterano ng World War II upang makatanggap ng mga benepisyong ipinagkakaloob ng mga Amerika. More
Comelec bigong mag-report sa Kongreso tungkol sa automated polls
02/09/2010 | 05:54 PM
MANILA – Nagpahayag ng pagkabahala nitong Martes si Speaker Prospero Nograles Jr kaugnay sa kabiguan ng Commission on Elections (Comelec) na magsumite sa Kongreso ng ulat tungkol sa kalagayan ng... More
Isiniwalat ni Enrile na panunuhol ni Villar pinagdududahan
01/27/2010 | 09:52 PM
MANILA – ‘Dapat pa bang paniwalaan ang tao na minsan ng umamin na pineke niya ang sariling ambush noong panahon ng martial law? More
Pinay sa Saudi nagpamalas ng kabayanihan sa pagtulong sa kababayan
01/27/2010 | 05:21 PM
JEDDAH, Saudi Arabia – Isang Pinay ang nagpakita ng kabayanihan nang tulungan ang isang kababayan domestic hleper na minaltrato ng kanyang amo sa loob mismo ng paliparan sa Dammam. More
Lalaki kulong matapos humirit ng sex kapalit ng naked pics ng ex-gf
01/27/2010 | 04:25 PM
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Sa halip na malambot na kama, matigas na rehas ang hinihimas ngayon ng isang 38-anyos na nursing student matapos ipakulong ng kanyang dating kasintahan. More
Shell pinayuhang ayusin ang ‘utang’ na P7B kaysa manakot
01/26/2010 | 11:59 PM
MANILA – Sa halip na sindakin ang gobyerno, pinayuhan ng ilang mambabatas ang pamunuan ng Pilipinas Shell na humanap ng paraan kung papaano babayaran ang P7.3 bilyong utang umano nito sa buwis. More
Sesyon ng Senado nilayasan ni Sen Santiago
01/26/2010 | 09:21 PM
MANILA – Galit na nilayasan ni Senador Miriam Defensor Santiago ang sesyon ng Senado nitong Martes matapos magtalumpati upang ilabas ang galit kay Senate President Juan Ponce Enrile. More
ADVERTISEMENT