Negosasyon ng MILF at pamahalaan bumagsak
07/26/2008 | 04:24 PM
ZAMBOANGA CITY – Ibinato ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pamahalaan nitong Sabado ang sisi sa pagbagsak ng usapang pangkapayapaan sa Mindanao.
Inakusahan ng MILF na hindi tinupad ng gobyerno ang naunang napagkasunduan sa Maynila. Nagbago umano ang posisyon ng mga negosyador ng pamahalaan sa pagpapatuloy ng pag-uusap sa Malaysia nitong Biyernes.
Ang sinasabing hindi tinupad ng pamahalaan ay ang usapin tungkol sa ancestral domain upang magkaroon sila ng sariling teritoryo na pamamahalaan sa Mindanao.
"The talks collapsed because the government was undoing already-settled issues on ancestral domain," pahayag ni Mohagher Iqbal, chief MILF peace negotiator.
“We have conceded much and nothing in return from the government. Under these circumstances, the MILF sees illogical and unreasonable to continue with the talks," aniya.
Dahil dito, kinansela na ang nakatakda sanang pirmahan ng magkabilang panig sa kasunduan tungkol sa ancestral domain sa August 5.
Matatandaan na nagkasundo ang pamahalaan at MILF sa usapin ng ancestral domain dalawang linggo na ang nakararaan. Katunayan, inindorso ni Pangulong Gloria Arroyo ang mungkahi ng MILF na ipagpaliban ang halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Aug 11.
Hiniling ng MILF na huwag ituloy ang halalan sa ARMM upang hindi makasagabal sa
Bangsamoro Juridical Entity na itatatag kapag nagtagumpay ang negosasyon.
Saklaw sa ancestral domain ang buong Muslim autonomous region at ilang lugar sa Zamboanga Peninsula, North Cotabato, Sultan Kudarat at Sarangani, kung saan malaki ang komunidad ng mga Muslin at mga katutubo.
Sinabi ni MILF spokesman Eid Kabalu na malaki ang magiging epekto ng pagbagsak ng negosasyon sa Malaysia sa kabuuan ng usapang pangkapayapaan.
"We cannot do anything about it anymore. This is the choice of the Philippine government and it should take responsibility at the consequences of its actions that led to the collapse of the peace talks," pahayag niya sa GMANews.TV.
Idinagdag niya na marami sa mga miyembro ng MILF ang hindi pa alam na bumagsak ang negosasyon sa Malaysia. "All they thought the talks went on smoothly. It was a false hope and now we do not know what will happen next." - GMANews.TV