Mobile Alerts  Newsletter  RSS  Archives  About Us  Bookmark Us  Twitter GMANews.TV
Pinoy Abroad

May katibayan ako sa inalok na suhol - Justice Sabio

Email the Editor Print | | More
MANILA — Hinamon ni Court of Appeals associate justice Jose Sabio Jr. nitong Biyernes ang negosyanteng si Francis Roa de Borja na sumailalim sa lie detector test upang patunayan ang alegasyon na humingi ng P50 milyon ang mahistrado kaugnay sa kaso ng Manila Electric Co. (Meralco) at Government Service Insurance System (GSIS).

Sinabi ni Sabio sa press conference na mayroon siyang katibayan tulad ng mga text message na magpapatunay na siya ang inalok ni De Borja ng pera upang mag-inhibit sa kaso ng Meralco at GSIS.

Idinagdag ng mahistrado na mayroon din siyang phone records sa mga pagtawag sa kanya ni De Borja upang kulitin na magparaya sa kontrobersyal na kaso.

Pinag-aaralan na umano ni Sabio ang pagsasampa ng perjury at bribery charges laban kay De Borja dahil sa affidavit nito na nagpapahiwatig na nais niyang kumita sa gusot ng GSIS at Meralco na nakabinbin sa korte.

Sa ipinalabas na sworn affidavit ni De Borja, sinabi nito na si Sabio ang nagpahiwatig ng P50 milyon upang hindi magpadala sa “pressure" ng pamahalaan para paboran ang GSIS.

Taliwas ito sa ibinunyag ni Sabio na isang negosyante ang nag-alok sa kanya ng P10 milyon upang mag-inhibit sa kaso at hayaan na isang mahistrado ang duminig sa kaso ng Meralco-GSIS.

Ayon kay De Borja, sinabi umano ni Sabio na may pressure sa kanya ang gobyerno para kampihan ang GSIS. Kapalit nito ay posisyon umano sa Korte Suprema at pera.

Idinagdag ni De Borja na sinabi umano ni Sabio na P50 milyon ang kailangan upang hindi siya magpadala sa pressure ng gobyerno.

"Let us both submit to a lie detector test to find out who between us is telling the truth," hamon ni Sabio kay De Borja.

Inaasahan na umano ni Sabio ang mga paninira na gagawin ng pamilya Lopez na may-ari ng Meralco.

"I know the Lopezes will do everything possible ... This is just the beginning. They will not stop doing everything to discredit my integrity ... The truth will be the one to set me free," aniya.

Sa panayam ng dzBB, inamin ni De Borja na tinulungan niya ang Meralco dahil ginigipit ito, at naging kaklase nito si Manolo Lopez.

"Yung kalaban ng Meralco are taking advantage of this to try cast a cloud of doubt over the decision. Since they cannot go against the decision they are trying to say nabili ang decision, dahil pabor sa Meralco," pahayag ni De Borja.

Matagal ng kilala

Inamin ni Sabio na matagal na niyang kilala si De Borja.

Sinabi ni Sabio na una niyang nakausap si De Borja kaugnay sa Meralco-GSIS case noong May 31 nang batiin siya ng negosyante dahil isa siya sa mga CA justices na pumirma sa temporary restraining order na pabor sa Meralco.

"I told him I voted according to my conscience," ayon kay Sabio.

Muli umano siyang tinawagan ni De Borja noong July 1, at humingi ito ng meeting.

Sa nasabing pag-uusap, sinabi umano ni De Borja kay Sabio na mahalaga sa mga Lopez ang kaso ng Meralco na itinuturing, "a matter of life or death."

Batid din umano ni De Borja ang "problema" sa pagitan nina Sabio at Associate Justice Bienvenido Reyes.

"I was surprised how he came to know about it, it was an internal matter in the CA... Many justices in the CA were not even aware of it," pahayag ni Sabio.

Ipinaliwanag umano ni Sabio kay De Borja ang kanyang posisyon sa kaso ng Meralco at GSIS at kung bakit hindi siya basta makapagpaparaya kay Justice Reyes.

Dito na umano inihayag ni De Borja na may nakahandang P10 milyon basta magbigay daan lamang ito kay Reyes na pamunuan ang pagdinig ng kaso.

"I was shocked he had a very low regard for me. He was treating me like there was a price on my person. I was stunned pero hindi ko magawang bastusin siya," idinagdag ni Sabio.

Pagkatapos ng nasabing pag-uusap, sunod-sunod pa rin umano ang pagtawag at pag-text ni De Borja kay Sabio. "I never initiated (a call) except this time when he kept pestering me," ayon sa mahistrado.

Sa isang tawag ay pinaalalahanan umano siya ni Borja na malapit na ang “deadline" at kung nakapagdesisyon na ito sa kanyang “alok."

"Sayang kung hindi ito tatanggapin, sayang ang P10 million," paalala umano ni De Borja kay Sabio sa isang tawag."

"I could not believe he would repeat an offer. I repeated my no ... He could not understand," idinagdag ni Sabio na hindi umano siya patatahimikin ng kanyang konsensya kung tinanggap ang alok ni De Borja. - GMANews.TV
Email the Editor Print | | More
ADVERTISEMENT
Philex, Meralco drive PSE main index higher
2009-11-19 13:18:44
Philippine share prices on Thursday continued their upward trek, but market breadth remained in...
Thailand offers penis measuring device to promote condom usage
2009-11-21 12:06:44
The country's Ministry of Public Health has come up a penis measuring device, a gadget that...
Friends should advise Pacquiao how to handle latest controversy
2009-11-19 20:49:39
Executive Secretary Eduardo Ermita said a member of Team Pacquiao should advise Manny Pacquiao on...
Oprah Winfrey to announce show will end in 2011
2009-11-20 07:56:57
(Updated 10:32 a.m.) CHICAGO — "The Oprah Winfrey Show," an iconic broadcast that grew...