Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

Ampatuan muling nahalal na lider sa ARMM - Comelec

MANILA – Idineklarang panalo ng Commission on Elections nitong Miyerkules sa katatapos na halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) si re-elected Governor Zaldy Ampatuan matapos makuha ang mahigit 90 porsyento ng boto.

Nagwagi rin ang running-mate ni Ampatuan na si re-electionist Vice Governor Ansaruddin Adiong, na nakakuha ng 1,011,791 boto, ayon sa Comelec.

Si Ampatuan ay nakalikom ng 1,017,179 boto o katumbay ng 93.06 porsyento ng kabuuang 1,307,117 bumoto sa ARMM polls.

Tinalo niya ang anim na iba pang kandidatong gobernador kabilang na ang nakapiit na si Indanan, Sulu Mayor Alvarez Isnaji.

Si Isnaji (independent) ay malayong pangalawa na nakakuha lamang ng 22,446 boto. Sumunod dito sina Ali Omar (independent) na may 16,902 boto; Guimid Matalam (Pwersa ng Masang Pilipino), na nakakuha ng 15,283 boto; Jupakar Arabani (independent), may 11,648 boto; Ismail Ibrahim (independent), nakakolekta ng 7,223 boto; at Ahmad Nooh (independent), may 2,280 boto.

Sa panayam ng media matapos ang proklamasyon sa tanggapan ng Comelec, sinabi ni Ampatuan na magiging prayoridad niya ang security at peace and order sa rehiyon.

Dapat din umanong konsultahin ang mamamayan kaugnay sa mga plano na lawakan ang sakop ng ARMM.

"Dapat me consultation, more consultation para mas malinaw sa kanila if ever, ano ang advantages at disadvantages kung sakaling masakop sila ng ARMM," paliwanag ng gobernador.

Nanawagan din siya sa Moro Islamic Liberation Front na talakayin sa pamahalaan ang mga usapin na nais nilang bigyan ng pansin.

"Dapat pag-usapan ang mga problema upang magkaroon ng tunay na kapayapaan sa rehiyon ng Mindanao. Hindi pwedeng idaan sa dahas ang pamamaraan, lalong hindi tayo magkakaintindihan," ayon kay Ampatuan.

Bagong assemblymen

Kasabay nito, iprinoklama na rin ng Comelec ang mga bagong halal na assemblymen ng ARMM batay sa bilangan sa provincial board of canvassers.

Sa Shariff Kabunsuan ay sina Roonie Quesada Sinsuat (Lakas-CMD); Cahar Pendat Ibay at Abdulradzak Dagalangit Tomawis.

Sa Tawi-Tawi ay sina Rejie Maguiso Sahali (Lakas-CMD); Mustapha Joe Omar (Independent); at Nur-Mahadil Kingking Ahaja.

Sa Basilan ay sina Rajam Mutamad Akbar (Independent); Nasser Amin Asarul (Independent) at Juhan Sabbihi Hataman (Nacionalista Party).

Nanalo naman sa Maguindanao sina Umbrah Ampatuan Datumanong; Khadafeh Gaguil Mangundadatu at Pike Terando Mentang.

Sa Sulu ay idineklarang panalo sa 1st district sina Nivocadnezar Talib Tulawie; Rizal Ansong Tingkahan Jr at Nahil Maldisa Hadjail (5,4871). Sa 2nd district ay sina Benshar Sali Estino; Naushurper Tulawie Daud; at Abdel Angkula Anni.

Nagwagi naman sa Lanao del Sul sina Jeha Racman Alonto Adioing, Samer Umpar Makil at Suhalya Maniri Salic para sa 1st district. Sa 2nd district ay namayani sina Rasmia Romato Salic, Balindong Alonte Yasser, at Alexander Boloto Malawani. - GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
Tuition freeze iginiit dahil sa El Nino
03/20/2010 | 10:06 PM
MANILA – Bunga ng pinsalang idinulot ng matinding init o El Nino phenomenon lalo na sa mga lalawigan, nanawagan ang isang senatorial candidate na huwag payagan ng pamahalaan ang anumang tuition... More
Gibo pabor sa military cooperation maging sa ibang bansa
03/20/2010 | 04:53 PM
Inihayag ni administration presidential candidate Gilberto “Gibo" Teodoro na isusulong niya na magkaroon ng military cooperation maging sa ibang bansa katulad ng ipinatutupad na Visiting Forces... More
Dayuhan bawal pa ring magpapako sa krus sa ‘Cutud’
03/20/2010 | 03:06 PM
Dahil sa mga nagdaang kontrobersiya na kinasangkutan ng mga dayuhang nagpapako sa krus sa mga dinarayong senakulo, nagdesisyon ang mga opisyal ng barangay ng San Pedro Cutud sa San Fernando,... More
OFW gives birth on plane; baby gets unique name
03/19/2010 | 11:31 PM
Isang overseas Filipino workers mula sa Dubai ang nagsilang ng kanyang sanggol sa loob ng eroplano habang nasa himpapawid. Pinangalanan ang sanggol na SQ – na hango sa eroplano na sinakyan nilang... More
6 na kandidatong pangulo posibleng idiskuwalipika ng Comelec
03/19/2010 | 07:23 PM
MANILA – Posibleng tatlong kandidato na lang sa panguluhan ang pagpilian ng mga botante pagsapit ng halalan sa Mayo 10 kapag natuloy ang babala ng Commission ng Elections laban sa anim na iba... More
Senatoriable ni Gibo saksi sa pagwawala ng dayuhan sa loob ng eroplano
03/19/2010 | 05:57 PM
MANILA – Nalagay sa peligro ang buhay ng mahigit 100 pasahero ng Philippine Airlines (PAL) Airbus A320 na biyaheng Cebu – kabilang ang isang kandidatong senador - nang magwala ang isang dayuhang... More
May rason bakit ‘di sumasama sa kampanya si Korina - Roxas
03/19/2010 | 04:11 PM
MANILA – Hindi umano nais ni vice presidential bet Sen Manuel Roxas II na makaladkad sa “partisan activities" ang maybahay niyang si Korina Sanchez kaya hindi ito sumasama sa kampanya ng Liberal... More
OFW group handang tumulong sa OAV sa Saudi
03/19/2010 | 12:30 AM
JEDDAH, Saudi Arabia – Nag-alok ng tulong sa konsulada ng Pilipinas sa nabanggit na bansa ang isang grupo ng mga overseas Filipino workers kaugnay sa isasagawang Overseas Absentee Voting na... More
ADVERTISEMENT
US stocks fall as worries about Greek debt return
2010-03-20 07:19:35
Stocks halted their steady climb Friday after renewed concerns about Greece's ability to pay...
Pinoy programmers highlight SF Game Developers Convention
2010-03-21 04:27:09
Filipino software developers are "game" and ready to make a splash in the multibillion-dollar...
‘My son didn't commit suicide’ – Toni Rose Gayda
2010-03-20 18:17:37
Pinabulaanan ng television host na si Toni Rose Gayda nitong Sabado ang mga espekulasyon na...
Sulu bets sign peace covenant, vow clean polls
2010-03-21 15:19:37
SULU, Philippines – Local politicians on Sunday signed a peace covenant and pledged to...