Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Pinalad sa pagpunta sa Iraq


Good day to all! Isa rin ako sa mga sumusubaybay ng Kwentong Kapuso sa Pinoy Abroad. Kung saan iba’t-ibang kwento ang aking nababasa tulad ng mga madamdamin, pagsubok, kabiguan at kaginhawahan na may aral at magandang mapupulot. Ito ang aking kwento na tulad ng mga naunang kwento ng mga Pinoy sa Iraq. Lahat ng kwento nila wala akong nabasang kabiguan sapagkat dito sa Iraq maayos ang pamamalakad ng mga company. Homesick lang ang kalaban namin dito. Pero kung pamilya na ang nakataya, handa naming tiisin ang pangungulila sa aming mga mahal sa buhay makatikim lang sila ng ginhawa. Napakaraming Pinoy ang gustong pumunta rito kahit na alam nilang delikado sa bansang Iraq. Ok ang sweldo at pamamalakad ng mga company dito kaya ganun na lang ang pagnanais nilang makapunta sa Iraq. Sa edukasyon, 3rd year high school lang ang inabot ko at nagkapagtrabaho bilang factory worker dyan sa Pinas sa halagang P300. Kaya nang may nag-offer sa akin na magtrabaho sa Iraq hindi ako nagdalawang isip at pumayag ako kaagad. Taong 2005, November nang ako ay mapadpad sa Iraq sa edad na 21. Nagtrabaho bilang isang housekeeping sa isang British compound sa sweldong $800 a month na may 8 hours ang trabaho. Nakabili ng sariling laptop computer at natuto sa pasikot-sikot sa paggamit ng computer. Kung dyan sa Pinas hindi ako makakahawak ng computers at matututo dahil mostly sa school mo ito matututunan. Lumipas ang isang taon at natapos ang aking contract, nagbakasaling nag-apply ako sa ibang company bilang isang housekeeping at storage man. At isa pang maganda the company provide me a computer for doing reports that I submit monthly. Oh ‘di ba bongga saan ka pa rito na sa Iraq. Four months ago nang magresign ang isang empleyado ng Logistics Office, at dahil sa nakikita nila ang kasipagan ko sa trabaho at pagiging computer literate naisipan ng company na ako ang ipalit sa empleyadong nagresign. Ngayon sa office na ako nagtatrabaho at mabilis na pagtaas ng aking sweldo sa halagang $1,500 monthly. Sa tingin nyo kaya maaabot ko sa Pinas ang aking tinatamo ngayon dito sa Iraq? Maraming Pinoy sa Iraq na gustong magbakasyon at makasama sa sandaling panahon ang aming mga mahal sa buhay. Dahil nandun pa rin ang “travel ban to Iraq," nagtitiis na lamang sila hanggang kaya pang magtrabaho rito sa Iraq kaysa umuwi dyan sa Pinas. Nasa kalagitnaan na ako ng kwento ko at eto ang nakaka-touch, maraming pangarap ang mga magulang na hindi namin naibigay sapagkat high school lang ang inabot ko. Anim kaming magkakapatid second to the oldest ako. Lumipas ang ilang buwan ay naipatayo ko nang bahay ang aking magulang dahil isa yon sa gusto nila. Sumusuporta rin ako sa aking mga Tita, Tito at mga pinsang nag- aaral. Laking pasalamat nila sa’kin na s’ya namang kinasasaya ko dahil nakikita ko ang pinaghihirapan ko na sa maganda napupunta. Ngayon ay sarili at future family ko naman ang pinaghahandaan ko sa mga sandaling ito. Single pa ‘ko baka may gusto dyan he he he joke lang. Palabiro kasi ako at yun ang kinagigiliwan sa’kin. Magta-tatlong taon na’ko rito sa Iraq sa Nobyembre at hindi nakararanas ng hirap at pagmamaltrato sa kumpanya. Hindi katulad ng mga nababasa at naririnig ko sa balita na pinagmamalupitan ng employer nila. Dito panatag ang loob mo, kung sa tulugan at pagkain wala kang iisipin dahil hindi nagpapabaya ang company. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang kinalalagyan ko ngayon. Hindi ko lubos maisip na mangyayari sa akin ang ganitong biyaya na aking lubos na ipinagpapasalamat sa Diyos. Unti-unti na rin akong nagiging fluent sa English dahil mostly mga Americans ang mga bosing ko na lagi kong nakakasalamuha sa trabaho. Ok ang mga bosing ko ni’ minsan hindi ako pinagalitan or inaagad sa trabaho, yun ang aking pinasasalamatan. Hanggang masaya akong nagtatrabaho at may mga ngiti sa aking labi at ganun din ang aking pamilya. Maraming salamat po sa lahat na’way masiyahan kayo at huwag mawawalan ng pag-asa anuman ang katayuan nyo sa buhay, sa halip magsumikap at magtiyaga. Mabuhay po ang Pinoy Abroad at GMA Kapuso, salamat! Inyong Kapusong totoo, Alias Iraq Kapusong Pinoy! Baka may maikling kwento ka d’yan, tula, awitin, litrato, at iba pang sariling katha tungkol sa iyong karanasan. Baka gusto mo itong ibahagi sa ating kababayan pamamagitan ng Kwentong Kapuso sa PinoyAbroad ng www.gmanews.tv. Hindi natin alam baka kapulutan pa ito ng aral ng iba nating Kapuso. O kaya ay magsilbi itong inspirasyon sa mga kababayan nating nasa ibang bansa at malayo sa kanilang mga mahal sa buhay. Hindi ba maganda ‘yon? ‘Yan ang Serbisyong Totoo! Kaya, heto na ang pagkakataon na magkwento ka, magbahagi ng inyong pananaw o magpaabot ng iyong saloobin. Masaya, malungkot, tungkol sa tagumpay o kabiguan o kahit wala lang...makapag-kwento lang at magkaroon ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa ating mga kababayan saan man dako sa mundo. Kaya ibalita na sa ating mga kababayan ang Kwentong Kapuso at mag-email sa Pinoyabroad@gmanews.tv. Lagi ring bisitahin ang ating website na www.gmanews.tv para sa mga sariwang balita, impormasyon at iba pa sa loob man o labas ng Pilipinas. Maraming salamat po mga Kapuso!

LOADING CONTENT