Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: GMA-7 stars enrol in finishing school


Masaya si Mark Herras nang makusap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Station 168 Internet Cafe sa may Tomas Morato kahapon, September 10. "Mag-i-school na ako," balita niya sa amin. In-enrol na kasi ng GMA Artist Center ang prime young stars sa kanilang kuwadra sa isang extensive class sa John Robert Powers sa Makati Branch nito. Hindi lang daw ito seminar ngunit tunay na klase at magtatagal ng ilang buwan. Ilan sa aaralin nila ay Speech, Confidence in Communicating, at Personal Development. "Hindi siya yung parang training lang, klase talaga. Magkakaroon kami ng talagang classmates," dagdag ni Mark. Tulad ng regular classes, hindi exclusive ang magiging sessions nila. Kung may makakasabay silang mag-enrol para sa mga nasabing subjects, magiging ka-classmates nila ito. Twice a week at two hours each daw ang magiging klase nila para sa John Robert Powers. Tinanong namin si Mark kung sinu-sino ang in-enrol ng GMA Artist Center. Ayon sa young actor, makakaklase niya raw sina Rainier Castillo, Yasmien Kurdi, at Sheena Halili of StarStruck 1, Marky Cielo ng StarStruck 3, at Rich Asuncion, Aljur Abrenica, Kris Bernal ng Starstruck 4. Tinanong namin kung bakit hindi kasama ang iba pang stars ng GMA at StarStruck tulad nina Mike Tan at LJ Reyes ng StarStruck 2. Ang sagot sa amin ni Mark, sabi raw sa kanila ng GMAAC, mga prime stars lang daw muna ang ie-enrol nila. Hindi namin naintindihan kung ano ang ibig sabihin ng prime artist, kung sino ang prime at hindi at hindi na rin namin ito pina-explain pa kay Mark. - Philippine Entertainment Portal