Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Biyaheng sikmura"


Episode on September 22, 2008 Monday late night after Saksi A group of beggars have found a creative way around the current food crisis. Armed with a long list of all the feeding programs taking place around the capital, the gang gets free breakfast, lunch, dinner and even snacks in between. All they have to do is pray, jump up and dance, wait a couple of hours and then their stomachs get filled. Scarface is the group's ring leader, then there is Edgardo a DOST scholar from Cebu turned Manila vagrant. Together with "Apol" a veteran of feeding programs, "Michelle" the dancing queen, plus "Ate Glo" and "ERAP", they roam the streets scouting for free food stubs. Who needs a job, they ask, if you can get free food everyday? Join Kara David this Monday late night on I-Witness as she follows the group on their unique daily search for sustenance
Habang patuloy ang problema sa pagkain sa Pilipinas, may ilang mga Pinoy na nakaimbento ng gimik para punan ang kumakalam na sikmura. Tulad ni "Tagpe" na may isang mahabang listahan ng mga feeding programs sa Maynila. Araw-araw, tumatalon mula sa isang kainan papunta sa susunod, kasama ang pulu-pulutong niyang mga kaibigan. Naghihintay sila ng ibreng kanin at ulam mula agahan, tanghalian, hapunan at may mga merienda pa. Ang kailangan lang ay magdasal nang lubusan, maghintay ng saglit, sumayaw ng kaunti, at matapos ang dalawang oras, ayos na ang kanilang sikmura. Andiyan din si Edgardo, dating DOST scholar mula sa Cebu, ngayo'y isa ng pulubi, nabulag sa paniniwalang ang buhay sa Maynila ay maganda. Kasama sina "Apol" na beterano ng mga feeding programs, si Michelle na dancing queen ng grupo, pati na si "Ate Glo" at "ERAP", binubuo nila ang malaking grupong nililibot ang buong kakalsadahan ng Maynila para hanapin ang libreng pakaing tatagal para sa isang linggo. Sino nga naman daw ang kailangan pang magtrabaho, kung meron namang walang humpay na libreng pakain? Samahan si Kara David sa kanyang pagsunod sa biyaheng sikmura ng mga taong ito ngayong Lunes ng hatinggabi sa I-Witness.
Tags: iwitness