Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Among Ed" and caring for the elderly


Episode on October 21, 2008 Tuesday night after Saksi "Among Ed" Report by Jiggy Manicad He ended a political dynasty in Pampanga by being the first priest to be elected governor in our nation's history. As his province's highest official, Gov. Eddie "Among Ed" Panlilio began to initiate reforms. While some liked the way he did his job, others did not. His days at the capitol were never easy. His relationship with other officials of the province was sour and his once loyal supporters started to leave him. Making matters worse was a recount petition filed to protest his victory and a recall petition against him is now on the way. What is behind the controversy in Pampanga? Caring for the elderly Report by Maki Pulido When street dwellers are talked about, children immediately come to mind. However, in recent years, more and more elderly people are found living on the streets. As the "Elderly Filipino Week" came and went, one cannot help but wonder what has been done about the slowly worsening situation of our country's elderly making streets their home.
"Among Ed" Ulat ni Jiggy Manicad Tinuldukan niya ang isang political dynasty sa Pampanga nang siya'y maging kaunaunahang paring nahalal bilang gobernador sa kasaysayan ng ating bansa. Bilang pinakamataas na pinuno ng kaniyang probinsya, mabilis na gumawa ng mga reporma si Gob. Eddie "Among Ed" Panlilio. Habang nagustuhan ng ilan ang pagtupad niya sa kaniyang tungkulin, may iba naming hindi ito nagustuhan. Hindi madali ang kaniyang buhay sa kapitolyo. Ang kaniyang relasyon sa ibang opisyal ng probinsya ay hindi maganda at ang iba sa kaniyang mga dating taga-suporta ay unti-unti nang nawawala. Nagpalala pa sa sitwasyon ang isang recount petition na inihain para iprotesta ang kaniyang pagkapanalo at isang recall petition na inihahanda na rin laban sa kaniya. Ano ba ang nasa likod ng kontrobersya sa Pampanga? Pagkalinga sa matatanda Ulat ni Maki Pulido Kapag pinag-usapan ang street dwellers, mga bata ang agad pumapasok sa isip. Ngunit nitong mga nagdaang taon, dumarami na rin ang matatandang naninirahan lansangan. Sa pagdating at paglipas ng "Elderly Filipino Week", hindi maiwasang pagtakhan kung ano na nga ba ang nagawa tungkol sa unti-unting paglala ng sitwasyon ng mga nakatatanda ng ating bansa na naninirahan na sa mga lansangan.