Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Transformation:" Emergency's 13th anniversary


Episode on October 24, 2008 Friday night after Saksi This Friday, watch as we help make heart-warming transformations in two people’s lives in Emergency. These patients you once saw featured in the show will experience a new kind of hope. Randy Cruz’ hands and feet continue to grow hard, thick and dry calluses. This condition has made it difficult for him to look for a job. Because of thick and heavy fingers, even a simple activity like eating is quite a challenge for him. He hopes that a cure for his disease known as Keratoderma will soon be discovered. Otherwise, he wishes that something would be found to alleviate his discomfort and pain. Annabel Manuel has been in the hospital for two years. A cancerous tumor that started from a mole grew and eventually consumed her face. The tumor was removed but it left a big, empty hole on her face. Her own kids could not even recognize her. She desperately wants to go home, but the frightened faces of her children discourage her. EMERGENCY will document the transformation of these two patients as they undergo reconstructive surgery and reunite with their families. Watch the first part of the 13th anniversary episode of television's longest- running Public Affairs show, EMERGENCY, on October 24, 2008, right after Saksi.
Sa Biyernes, malaki ang pagbabagong inyong masasaksihan sa EMERGENCY. Dalawang dating pasyenteng minsan nating nakilala sa programa ay makararanas ng panibagong pag-asa. Si Randy Cruz, tila tinubuan ng punong kahoy sa kamay at paa dahil sa kakaibang sakit na Keratoderma. Nagmula lang daw ito sa maliit na kulugo naging kalyo, at ngayon nga, singkapal at singgaspang na ng punong kahoy ang kanyang kamay at paa. Kaya naman hirap siyang makahanap ng trabaho. Maging ang simpleng gawain kasi tulad ng pagkain ay pahirapan pa, at ang ibang tao, hindi rin maiwasang mandiri sa kanyang kondisyon. Si Anabel Manuel naman, nakilala ng Emergency sa isang ospital sa Maynila. Dalawang taon na siyang naroon dahil sa isang uri ng kanser na tumubo sa kanyang mukha. Natanggal ang tumor na sanhi ng kanser pero nag-iwan naman ito ng malaking butas sa kanyang mukha. Natatakot siya sa magiging reaksyon ng kanyang mga anak kaya nagdadalawang-isip din siyang umuwi sa kanilang probinsya. Susundan ng EMERGENCY ang pagbabago sa itsura ng dalawang pasyenteng ito matapos nilang sumailalim sa operasyon. Ano kaya ang magiging bago nilang anyo? Panoorin ang unang bahagi ng ika-13 anibersaryo ng longest-running Public Affairs show, EMERGENCY, Oktubre 24, 2008 pagkatapos ng Saksi.
Tags: emergency