Filtered By: Topstories
News

Distressed OFWs sa Jeddah tumanggap ng tulong sa Guardians


JEDDAH - Tumanggap ng mga donasyon tulad ng pagkain at mga personal na gamit ang mga stranded na overseas Filipino workers (OFWs) na kasalukuyang nasa pangangalaga ng konsulado ng Overseas Workers Welfare Administration sa Jeddah, Saudi Arabia. Ang pamamahagi ng tulong sa mga nagipit na OFWs na isinagawa kamakailan ay pinamunuan ni Jimmy Geronimo, chapter national founder at founding chairman ng “Jeddah Legion" ng Guardian Brotherhood Incorporated (GII). Sinabi ni Geronimo, siya ring national president ng Guardians International for Action Force for Peace Incorporated o GIAFP, na layunin ng kanilang organisasyon na magbigay ng tulong sa mga kapus-palad na mga OFW lalo na sa mga kababaihan na nasa pangangalaga ng OWWA. Bukod sa GIAFP, nagbigay din ng tulong sa mga distressed OFWs ang iba pang grupo ng guardian tulad ng Federal Guardian Brotherhood Incorporated (FGBI), Guardians New hope Brotherhood International Incorporated (GNBII), Guardians Republican International Incorporated(GRII) , New Guardians for freedom and democracy Incorporated (NGI) , Guardians Brotherhood International (GBI) , at United Guardians Brotherhood Incorporated (UGBI). Sinabi ni Geronimo na gagawin nilang regular o tuwing ikatlong buwan ang pagkakaloob ng tulong sa mga nagipit na OFWs. Bukod sa pagkakaloob ng donasyon, plano rin ng mga guardian na magsagawa ng iba’t- ibang charity works sa mga darating na linggo. Pinasalamatan naman ng mga OFW sa pangunguna ni Jennebel Cuaresma ang mga ipinagkaloob na tulong sa kanila ng guardians at umaasa silang ipagpapatuloy ng organisasyon ang kanilang magandang misyon. Ipinaliwanag ni Geronimo na ang iba’t-ibang grupo ng guardians ay nasa ilalim ng confederation umbrella na Guardians International Incorporated (GII) na pinamumunuan ni GMIGF Abraham Hangaw “Liborio" Hangaw Jr. Samantala ang International chairman ng guardian ay si (ret.) General Nestorio Gualberto, habang tagapangulo naman si MFSGF Ryan Daniel Umbao. - Bong Concha, GMANews.TV
LOADING CONTENT