Publiko matamlay sa impeachment - solon
10/22/2008 | 05:08 PM
MANILA – Ang tila matamlay na pagtanggap ng publiko sa bagong impeachment complaint laban kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang isa sa nakikitang dahilan ng isang kongresista kaya hindi ito makakuha ng suporta sa mga mambabatas.
Pinuna ni Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon, na tila hindi nililigawan ng civil society groups na naghain ng impeachment complaint ang suporta ng tao kumpara sa taktika na ginawa noong tatlong naunang impeachment complaint.
“I don’t feel that there is a sentiment of support for the impeachment from Congress, unlike the first impeachment where civil society and the people in general were very visible and active in pushing for it," ayon kay Biazon na pumirma sa mga naunang impeachment complaint.
Naniniwala rin si Biazon, anak ni Sen. Rodolfo Biazon, na nakararanas na ang publiko ng “impeachment fatigue" at umaasa na lamang na magkakaroon ng pagbabago sa darating na 2010 elections.
“I think the people have impeachment fatigue after three attempts that failed. The people may also want Congress to focus on preparing for the economic crisis ahead. There is also hope for change in 2010," idinagdag ng nakababatang Biazon.
Nitong Martes, sinabi ng negosyanteng si Jose “Joey" De Venecia III na handa na kanyang ama na si dating Speaker Jose de Venecia Jr na suportahan ang impeachment complaint na kanyang inihain.
Idinagdag ng nakababatang De Venecia na nakahanda rin ang kanyang ama na tumestigo kapag nakaakyat sa Senado ang reklamo.
Kumpyansa naman si Bayan Muna Rep. Teodoro “Teddy" Casiño, isa sa mga endorser ng impeachment complaint, makakukuha sila ng suporta mula sa iba’t-ibang sektor kapag sinimulan ang pagtalakay dito sa Nobyembre.
“I strongly believe that when the House committee on justice started investigating the form and the substance of the complaint, people in all walks of life would express their full support to make sure that the genuine impeachment would push through," ani Casiño.
Naniniwala naman si Cavite Rep. Elpidio Barzaga, kasapi ng partido ni Arroyo na Kabalikat ng Malayang Pilipino (Kampi), na mababasura ang impeachment complaint kahit suportahan pa ito ni De Venecia.
“In any event, with or without JDV’s support, the impeachment complaint would be dismissed. I anticipate that the dismissal of the impeachment complaint would be before the Christmas break," ayon sa kongresista. - GMANews.TV

READER'S FEEDBACK:
From: "Alfonso Moradal"
Sent: Saturday, October 25, 2008 5:03 PM
> The only reason i have seen here why the de
> venecia wants to push this impeachment is simply
> bcoz naisahan sila ng kapwa nila kurakot. kung
> sakali na de venecia got the contract may malaking
> nakaw din sila dyan for sure. asthey say galit ang
> magnanakaw sa kapwa magnanakaw. sana lawmakers
> could see how we the OFW works hard para umunlad
> ang buhay namin. sana help us na improve ang buhay
> ng ibang kababayan natin dyan, nakakahiya na ang
> imahe natin sa ibang bansa. ka level na natin ang
> burma at bangladesh, wake up lawmakers sana
> tantanan na ninyo ang pagnanakaw sa kaban ng
> bayan, Si JDV balimbing din naman yan. kurakot din
> yan pare parehas sila..Siguro kung maganda ang
> buhay dyan sa Pilipinas wlang pinay d2 na papatol
> sa pakistani o kaya sa indiano.. nakakahiya na -
> October 25, 2008, 5:03 pm
>
Alfonso Moradal
United Arab Emirates