Dela Paz inako ang responsibilidad sa 'Euro general' scandal
11/15/2008 | 03:45 PM
MANILA — Humarap na sa pagdinig ng Senado nitong Sabado ang kontrobersyal na dating comptroller ng Philippine National Police na si retired Director General Eliseo dela Paz at inako ang buong responsibilidad sa nakumpiskang P6.9 milyong halaga ng euros na bitbit nito sa pagbyahe sa Moscow noong nakaraang buwan.
Ngunit hindi nakumbinsi ni Dela Paz ang mga senador na kasapi ng Senate foreign relations committee na pinamunuan ni Sen Miriam Santiago na siya lamang ang responsable sa naturang kontrobersya.
Naniniwala ang mga senador na ang pag-ako ni Dela Paz sa kontrobersya at pagpayag ng dating opisyal na maging “scapegoat" upang hindi madamay ang iba pang mataaas na opisyal ng PNP sa iskandalo kung saan galing ang pera at bakit bitbit nila ang malaking halaga sa pagdalo sa Interpol conference sa Moscow.
"As I mentioned in my arrival statement, it is my own, I did it on my own behalf," pagdiin ni Dela Paz patungkol sa pagkuha ng P10 milyon mula sa pondo ng PNP sa intelligence funds.
Sinabi ni Dela Paz na kasama sa P10 milyon ang nakumpiskang P6.9 milyon sa Moscow airport. Sa naturang pondo rin umano kinuha ang pambili ng plane tickets ng siyam na kasapi ng delegasyon ng PNP kabilang ang hepe ng pulisya na si Director General Jesus Verzosa.
Sa pag-usisa ni Sen Rodolfo Biazon, sinabi ni Dela Paz na ang sobrang “baon" ay posibleng gamitin sa pambili ng mga intelligence equipment na hindi naman tinukoy ng dating opisyal kung anong mga kagamitan.
Tumanggi rin si Dela Paz na sagutin ang katanungan ni Sen Loren Legarda kung bakit hindi nito idineklara sa airport sa Pilipinas ang bitbit na halaga gayung inamin nito na batid niya ang patakaran na dapat ideklara ang mahigit $10,000 dala ng pasahero.
“I would like to use my right against self incrimination," pahayag ni Dela Paz kay Legarda matapos kunsultahin ang kanyang mga abogado.
Cover-up
Ngunit naniniwala si Santiago na pinagtatakpan ni Dela Paz ang kanyang mga opisyal kaya nais nitong akuin ang lahat ng responsibilidad.
Inilarawan ni Santiago ang pag-ako ng responsibilidad na "very heroic" dahil ang pag-amin nito ay maaaring maging dahilan ng kanyang pagkakakulong ng 20 taon.
"I refuse to believe that you are the sole perpetrator of the crime. I believe you are a part of a bigger conspiracy," ayon sa mambabatas.
Idinagdag niya na lalong nababaon si Dela Paz dahil sa patuloy nitong paggiit na siya lamang ang may reponsibilidad sa pagpapalabas at pagdadala ng pera.
"You are facing a regular sentence of 20 years in jail and possibly more than that. Are you ready to do that, go to jail more than 20 years... so that other people can be free. I refuse to believe you are the sole perpetrator of a crime or offenses... you are part of a bigger conspiracy and out of a misplaced sense of esprit de corps ... you assume responsibility for others. That seems to be the most humanitarian view of your situation," paalala ni Santiago sa opisyal.
Sinabi ng senador na kinaawaan niya si Dela Paz at pamilya nito dahil naniniwala siyang naiipit ito sa pagitan ng “devil and a hard rock."
Natipid na pondo
Malaki rin ang paniniwala ni Santiago na “kinupit" ni Dela Paz ang bitbit na P6.9 milyon mula sa P623 milyong pondo na inilaan ng kongreso sa pangangalap ng mga bagong pulis mula 2005 hanggang 2008.
“Kung hindi galing sa mga drug lords, gambling lords o contractor ng PNP ang P6.9M bitbit ni Director Dela Paz sa Moscow, malamang galing ito ng pondong inilaan ng Kongreso para sa pangangalap ng bagong pulis," ayon sa senador.
Sa kanyang power point presentation, ipinakita ni Santiago na mula 2005 hanggang 2010, ay may awtorisasyon ang PNP na kumalap ng 3,500 bagong pulis na may buwang suweldo na P15,000 bawat bagong recruit.
“Sabihin na lamang natin na 3,500 lahat-lahat sila (bagong recruit), bawat isa may P180,000 suweldo kada taon, kaya aabot sa P623M ang pera ng PNP na hindi nagagastos para sa bagong trainees," paliwanag ni Santiago.
“Ibinibigay sa inyo (PNP) ang pera pero hindi naman ninyo ginagastos," paggiit ni Santiago.
“My theory that this fund, from 2005 to 2010 became a secret fund or for deposit in secret bank account abroad, or for bribing officials who would know the said funds," idinagdag niya.
Arrest warrant
Inutos rin ni Santiago na arestuhin ang may-ari ng money changer na pinagpalitan ni Dela Paz para maging euro ang P6.9 milyong matapos mabigo itong dumalo sa pagdinig.
Inatasan ni Santiago ang secretariat ng Senate committee on foreign relations na gumawa kaagad ng warrant of arrest laban laban Felisa Sacaturan, may-ari ng money changer.
Inatasan din ni Santiago ang secretariat na palagdaan ang naturang dokumento sa lahat ng miyembro ng naturang komite upang makumpleto ang dokumento.
Natuklasan ni Santiago na kapareho ang abogadong nag-notaryo sa sertipikasyon na ibinigay ni S/Supt. Tomas Rentoy ng Directorship for Comptrollership kay De la Paz hinggil sa ibinigay na P6.930 M intelligence funds.
“Nakapagtataka naman na magkapareho ang notaryo publiko ng sertipikasyon mo (Rentoy) at sertipikasyon na ipinalabas naman ng money changer," puna ng senador.
Inamin ni Rentoy sa Senado na hiniling ni Dela Paz ang memorandum receipt noong Oct. 3 na gagamitin ng PNP contingent sa Interpol Assembly upang patunayan na legal ang pinanggalingan ng 105,000 euros na nahuling bitbit nito (Dela Paz) sa Moscow.
“The certification was made for the consumption of the Moscow authorities," ayon kay Rentoy.
“Your notary public mo (Rentoy) iisa lang, pati ang money changer iisa. Nakakapagtaka na certification mo at certification ng money changer bakit magkapareho at parehong abogado," ayon kay Santiago.
Natuklasan pa ni Santiago na ipinalabas ang perang kapalit ng P6.9 milyong intelligence fund bago magpalabas ng sertipikasyon ang money changer hinggil sa naturang palitan.
Kaugnay nito, inihayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas Deputy Governor Diwa Gunigundo na mahirap hanapin kung saan talaga nanggaling ang 105 euros na ipinampalit ni Dela Paz sa P6.9 milyong intelligence funds. - GMANews.TV