PEP: Sharon says daughter KC has non-showbiz suitors
11/21/2008 | 07:48 PM
Marami ang nagsasabi na hanggang love team lang talaga sina Richard Gutierrez at KC Concepcion, lalo na nung ma-link ang huli kay Sam Milby.
Tila nakumpirma naman lalo na walang seryosong relasyon na namamagitan kina Richard at KC sa mga pahayag ni Sharon Cuneta sa interview sa kanya ng mga piling movie press kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, November 20, sa McDonalds Greenbelt 1 sa Makati City.
"May mga lumiligaw kay KC ngayon, hindi artista," pagbubunyag ng Megastar tungkol sa kanyang anak.
Hindi naman daw pinapakialaman ni Sharon kung sino man ang gustuhin ni KC. Sabi nga ni Sharon, "Kahit sino ang gusto niya."
Tinanong ang megastar kung napanood ba niya ang episode ng The Buzz na humingi ng sorry si Sam dahil pagkaka-link ni KC sa kanya.
"No! I did not. Alam mo kaya ayaw kong patulan kasi ang babait nila pareho. Bakit ginaganun? Ang tao talaga... Kaya nga sabi ko, kaya hindi umaasenso ang bansang ito, e! Inuuna ang buhay ng ibang tao bago ang sarili," tuluy-tuloy na komento pa ni Sharon.
Ano naman ba ang reaksyon niya nang ma-link si KC kay Sam?
"Wala! Sanay na ako sa tsismis. She's been linked to people I've never even seen, di ba? They've been friends for a long-long time. They go to to the same church. Si Sam kaibigan ko, sinu-support ko ang lahat ng gawin ni Sam, just like sinusuportahan ko ang ginagawa ni Piolo [Pascual] at lahat ng taga-Talent Center. In case na manligaw si Sam, si KC ang bahala dun.
"Basta ang masasabi ko lang, mabait si Sam, mabait si KC. Sana wag na nating intrigahin kasi may kanya-kanyang... Well si Sam, kung maniniwala ako sa balita may ‘dinadaanan' din siya, so, parang hindi yata tama na magulo pa ang yung mga bata," pahayag pa ni Mega.
DISMAY ABOUT "SEPARATION" ISSUE. May himutok din si Sharon sa napabalitang hiwalayan nila ni Senator Francis "Kiko" Pangilinan.
"Ang sa akin lang, ganito, hindi maiiwasan sa mag-asawa ang may tampuhan. Pero medyo sobrang nakasakit sa dibdib ko yung nanganganak nang nanganak ang issue. Feeling ko, napakawalang-respeto naman ng mga ito. Dito na ako tumanda, nagdalaga, nag-asawa, nagkaproblema at nakapag-asawa ulit. Sana naghanap muna ng source kung totoo ba ito. Nakakagulat kasi dahil may mga anak kami. Hindi ko talaga kinaya," sabi pa ni Sharon.
Naisip din Sharon na may kuneksyon sa pulitika ang mga tsismis tungkol sa paghihiwalay nila ni Sen. Kiko.
"Takang-taka ako talaga. Hindi ko maiwasang isipin na pulitika. Kasi, kunwari nagtampo ako, aba, the next day, nakadiyaryo na. E, ilang beses na ba kaming nag-away, nagkatampuhan over 12 years, di ba? Never lumalabas. Kaya sabi ko, ‘Hay... Alam ko na ‘yan.' Ha-ha-ha."
Nakatakdang simulan ng aktres ang pelikulang pagsasamahan nila ni Richard Gomez pero depende raw sa katawan niya. Kailangan pa rin niyang mag-diet. Si Direk Loren Dyogi ang director nila.
"Siya ang last na balita ko. Yun ang crush ko. Ha-ha-ha! Joke. Lahat kami, crush namin siya sa ABS. At saka sabi ni Aga [Muhlach], maalaga siya sa babaeng artista," kuwento pa ni Mega.
KIKO'S REACTION TO HER LEADING MEN. Ano naman ang reaksyon ni Senator Kiko sa balik-tambalan nila ng ex-boyfriend niyang si Richard Gomez?
"Wala.... Si Kiko, Diyos ko naman... Since ‘96 sobrang cool ang asawa ko kaya hindi nila ako maintriga pag ex ko ang kasama ko. Kahit nga sa promo o sa premiere night, hindi sumasama ‘yan pag may love team ako sa movie. He understands, e!
"At saka ayaw rin niya makakita ng kissing scene, e!" napahalakhak si Mega. "Kahit kanino... Pero kay Aga at Boyet [de Leon], kumportable siya."
E, kay Richard?
"Wala siyang pakialam. In that sense, kasi friends namin sina Boyet at Aga. Yung Madrasta, sabi niya kay Boyet, ‘Naiyak yung mga tao, ang ganda. Ako naiyak ako kasi nag-kiss kayo.' Ha-ha-ha! Niloloko lang niya.
"Wala siyang isyu kina Richard at Robin [Padilla]. Di ba sa Pagdating ng Panahon, meron kami ni Robin. Sa amin naman ni Richard, pangatlo na ito since I got married, so, walang problema. Very supportive si Kiko," pagtatapos ng Megastar. - Philippine Entertainment Portal