Marian: Every girl would fall in love with Dingdong
12/05/2008 | 11:23 PM
“Walang babaeng hindi magkakagusto kay Dingdong (Dantes) dahil sa bait nya."
Ito ang sagot ni Marian Rivera nang tanungin ng mga kinikilig na miyembro ng media sa Los Angeles, California, kung mayroon ba silang relasyon ni Dingdong Dantes.
Sa “Chika Minute" portion ng GMA News “24 Oras" nitong Biyernes, sinabing kinilig ang mga taga-media sa LA na dumalo sa presscon nina Dingdong at Marian para mag-promote ng kanilang concert doon.
Idinagdag sa ulat na dumating sa venue si Marian na nakasakay sa wheelchair. Napilayan siya kamakailan sa aksidente sa shooting ng isang movie.
Todo alalay naman si Dingdong na siyang nagtulak ng wheelchair ni Marian at umaalalay sa dalaga hanggang pag-upo sa mesa.
Komento ng isang miyembro ng media, magandang tingnan sina Dingdong at Marian bilang couple.
At nang tanungin kung may relasyon nga ba sila, sagot ni Marian: “Siguro ang masasabi ko lang, walang babaeng hindi magkakagusto kay Dingdong dahil sa bait nya." - Fidel Jimenez, GMANews.TV