Filtered By: Showbiz
Showbiz

Fans go wild as Marian sings while on a wheelchair at LA concert


Hindi binigo nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang fans nila na nanood ng kanilang concert sa Los Angeles. Kahit nakabenda ang paa dahil sa pilay, gumiling pa rin ang aktres na sinuklian naman ng mga manonood ng mainit na palakpakan. Noong una ay inakala ng fans na hindi na talaga nila makikitang magsasayaw si Marian lalo nang makita nila na ibang babae ang partner ni Dingdong sa unang dance number ng aktor, ayon sa Chika Minute portion ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes. Pero sa ikalawang dance number ni Dingdong, biglang pumasok si Marian na naka-wheel chair at laking gulat ng mga tao nang tumayo siya at nagsayaw. “Alam kong mahirap sumayaw para sa akin pero kung makikita mo ngayon ang mga tao rito sobrang nag-effort sila para makita lang tayo," pahayag ni Marian. Napilayan ang isang paa ni Marian habang kinukunan ang eksena sa isa niyang pelikula. Pero sa kabila ng kanyang kalagayan, pinilit pa rin niyang magtungo sa US para hindi mabigo ang kanilang fans ni Dingdong at iba pang Kapuso stars. Hindi lang sayaw ang ginawa nina Dingdong at Marian sa LA concert. Sa isang song number nila, kinilig ang mga tao nang mag-duet sila habang naka-wheel chair and aktres . Pero ang higit na nagbigay buhay sa mga nanood ay ang game portion ng concert kung saan ipinasa ni Dingdong kay Marian ang piraso ng chocolate sa pamamagitan ng bigbig. “Nakakataba ng puso. Hindi rin naman ini-expect na ganito karami ang manonood sa amin kaya maraming-maraming salamat sa kanila," pahayag ni Marian. - Fidel Jimenez, GMANews.TV