Competitiveness helps taekwondo jin Vern Domingo adjust to Survivor Philippines
12/03/2008 | 04:24 PM

Vern: January 1997. Third-year college ako Far Eastern University.
GMANews.TV: What was your first impression of taekwondo? Siyempre, bugbugan ang sport na ’yun.
Vern: Sobrang physical talaga ’yung laro. ’Di mo maiiwasang magkatamaan kayo ng siko, ng shin, ng tuhod, magkakaroon ka ng pasa. Pero nandu’n kasi ’yung enjoyment in what you to do. Lalo na kapag may big international events, dala mo ’yung flag mo, so siyempre masaya ka na iri-represent mo ’yung bansa mo. Sabi nga, ang daming naghahangad ng pusisyon mo pero ilan lang ang nabibigyan ng ganu’ng opportunity.
GMANews.TV: When did you achieve a black belt?
Vern: In less than two years since I began. Nu’ng October 1998. Tapos nu’ng 1999, nag-national team na ako. Sobrang suwerte ko at blessed na mabilis ’yung transition ko, ’yung progress. Siguro du’n umiral ’yung pagiging competitive ko. Nu’ng first training ko, sabi ng coach ko, ituloy ko na lang daw sa taekwondo kasi may future daw ako dito, sabi niya.
GMANews.TV: I believe your coach was right because eventually you did succeed on a lot of levels. Can you talk about the major competitions you joined and what you won there?
Vern: 1999 was my first international competition, sa Brunei Southeast Asian Games. Naka-bronze ako du’n, pero ’di ako naging masaya. Gusto ko siyempre gold. ’Yung next competition ko sa Brunei Open 2000, nakakuha na ako ng gold du’n. ’Yung 2001 sa Malaysia, first gold ko sa SEA Games. Tapos nag-gold ako uli nu’ng 2003 sa Vietnam naman. Nu’ng 2005 ’yung SEA Games dito sa Manila, silver lang ako dahil nagka-ACL injury ako. And then my last SEA Games was last year sa Thailand. Naka-bronze ako uli du’n. Nag-Asian Games din ako dalawang beses. Nu’ng 2002 tapos 2006, parehong time nag-bronze ako.

Vern: ’Yung ACL injury ang pinakamahirap para sa isang atleta kasi ’yung rehab, paiyakan. Sabi nga nila, once nag-ACL ka, end of your career ka na agad. Iilan lang kasi ang nakaka-recover du’n, to think na hindi pa ganu’n katindi ang technology noon. Tapos rare form pa ’yung ACL injury ko kasi ang tagal mag-heal.
GMANews.TV: What was your most memorable moment as an athlete?
Vern: Siyempre most memorable ’yung umaakyat ka ng podium, nananalo ka ng gold, may mga taong nagchi-cheer sa’yo, pinapalakpakan ka o naniniwala sa kakakayahan mo. Masarap talaga ’yung feeling nu’n.
GMANews.TV: Did you think that your experience in taekwondo helped to give you the confidence to go through the challenges of Survivor-Philippines?
Vern: Definitely. I think unang-una, ’yun talaga ang key kung baket ako kinuha. Iba-iba kasi ’yung mga character dito eh, ’yung mga personalities. Pagdating sa island, sabihin na nating kaya ko ’yung mga challenges kaysa du’n sa ibang castaway. Pero ’yung disadvantage du’n, dahil nakita nila na malakas ako, nakita nila ako bilang threat.
GMANews.TV: Which is more challenging do you think – winning in taekwondo or going through Survivor-Philippines?
Vern: Parehong challenging, pero ang masasabi ko sa Survivor-Philippines nakita ko ’yung takbo ng totoong buhay. Mas natuto akong i-appreciate ’yung mga bagay na meron ako. Katulad niyan, wala kaming food sa island. Siyempre dati nu’ng wala pang Survivor, tawagin ka lang para kumain pahirapan pa, nag-iinarte ka pa. Sa island, na-realize ko ’yung halaga ng pagkain, at overall ’yung grasya na binibigay ng Panginoon.
GMANews.TV: Naisip mo ba na sa tinagal-tagal mo sa taekwondo, you’ll eventually be show business after all?
Vern: Nu’ng bata ako, nagdi-dream din akong umaarte-arte, humaharap sa kamera, magmo-model. Pero naniniwala ako na pana-panahon din lang, na kung anuman ’yung hingin ko kay Lord ibibigay niya kahit matagal kang maghintay.
GMANews.TV: This is an Olympic year and sadly, we weren’t able to win a gold medal again. Ano ang tingin mong dapat i-improve sa program ang taekwondo para makapanalo na tayo ng gold sa Olympics?
Vern: Isang malaking bagay ’yung government support. Alam naman natin na may suporta, pero hindi pa rin talagang buo ’yung suporta lalo na pagdating sa financial. Alam natin na may nakalaan para sa mga atleta pero nabubulsa ng mga nasa gobyerno, na sana makakatulong sa amin pagdating sa pagbili ng pagkain, vitamins, para sa training sa abroad. Kaya lang ’di namin nakukuha.

Vern: Hanggang ngayon, nagko-coach ako ng FEU varsity. Kaya nga sabi ko parang everything happens in its time kasi nu’ng na-injure ako, down na down ako nu’n. Pero habang nagte-therapy ako, dumating ’yung offer to coach. Gusto kong magturo pero ’di ko rin ini-expect na ganu’n kabilis. Saka at least, nagbubunga lahat ng mga efforts natin dahil napapanalunan na ng FEU ’yung mga championshps na ’di nila napapanalunan dati.
GMANews.TV: There are a lot of taekwondo athletes out there who are crossing over successfully into show business. Why do you think that’s the case?
Vern: Siguro sa taekwondo, nade-develop ’yung personality mo. ’Yun ang nagbibigay sa’yo ng drive para pumasok sa ibang field. Nandu’n din ’yung confidence mo, nakikita ’yung character mo lalo na kapag napasok ka sa sport ng taekwondo.
GMANews.TV: Marami ka nang na-achieve sa taekwondo and I’m sure a lot of people know who you are. Still, iba pa rin ba ’yung attention na nakukuha mo out of showbiz. Are you getting used to that type of popularity?
Vern: Maski papaano, nakakapanibago pero nakakatuwa na nare-recognize ka ng tao. Kapag lumalabas ka, “Uy, si Veronica from Survivor." Siyempre, i-approach mo rin ’yung tao, maging thankful ka. – GMANews.TV


















