Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

Baha nanalasa sa Cagayan de Oro, Iligan

CAGAYAN DE ORO CITY — Lumubog sa tubig-baha ang maraming barangay sa Cagayan de Oro at Iligan simula nitong Biyernes ng hapon dahil sa walang tigil na pagbuhas ng ulan.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Sabado, mahigit 100 tao umano ang naipit sa ilang lugar sa Cagayan de Oro dahil sa biglang pagtaas ng tubig sa ilog ng Cagayan.

Sinabi ni PCG Commandant Vice Admiral Wilfredo Tamayo na masusi silang nakikipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal sa lalawigan para sa pagsagip sa mga biktima.

"PCG rubber boats rescued or rendered assistance to more than 100 persons that were ferried from the river to safer areas along the river banks," ayon kay Tamayo.

Kabilang umano sa nasagip ay ilang lalaki na tinangay ng tubig sa Cagayan river.

Kabilang sa mga barangay na matinding naapektuhan ng baha sa Cagayan de Oro ay ang Carmen, Macasandig, Tibasak, at nasa bahagi Burgos Street, Consolacion, Macabalan at Gusa.

Sa Iligan, apektado ang mga barangay sa Mahayahay, Tambacan, at sitio Manuang, kung saan apat na bahay umano ang nawasak. Lumubog din ang Hinaplanon sa Bayug island dahil sa high tide.

Hindi pa matiyak ni Criselda Joso, city administrator ng Cagayan de Oro city, kung ilan ang pamilyang naapektuhan ng kalamidad. Ngunit prayoridad umano ng lokal na pamahalaan na magkaloob ng ayuda sa mga biktima.

"This is so sudden and we are still expecting the water to rise on Saturday afternoon. We are closely monitoring the residents especially on Isla de Oro and Isla Bacsan," ayon kay Joson.

Ang dalawang isla ay nasa bahagi ng barangay Carmen at Burgos St., at barangay Kauswagan at Consolacion.

Karamihan umano sa mga residente ay nabigla sa pagtaas ng tubig sa kanilang lugar.

"My mother said that most of them are on top of the roof to seek protection as the water rose high. The last meal they had was on Friday night, and I am worried about their situation," ayon kay Nilda Bacong.

Ayon naman kay Cong Corrales, isang mamamahayag sa lalawigan, ito ang unang pagkakataon na naranasan niya ang matinding pagbaha sa kanilang lugar mula nang manirahan dito noong dekada 90.

"We have been used to the flood but today, we were all caught by surprise as the water really hit the streets. Residents here in barangay Consolacion recalled that the worst flood occurred on January 1956, another was on January 1986 and this one," kwento ni Corrales.

Sa Iligan, sinabi ni Nova Chavez, residente ng sitio Ilang-iliang sa Hinaplanon, na tanging isang bag na may lamang damit at ang kanyang sanggol na lamang ang kanyang nabitbit dahil sa paglubog ng kanilang bahay.

Inatasan naman ni Iligan Mayor Lawrence Lluch Cruz ang Iligan City Disaster Coordinating Council, Philippine National Police at rescue teams na kumilos upang tulungan ang mga naapektuhang residente.

Nakiisa rin sa pagtulong ang mga tauhan ng 104th at 403rd Brigades ng Philippine Army sa pagsasagawa ng rescue and relief operations.

Wala pang naitatalang nasawi sa nasabing kalamidad habang isinusulat ang balitang ito. - GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
Mga kandidato umarangkada sa unang araw ng kampanya
02/09/2010 | 11:20 PM
MANILA – Kanya-kanyang gimik, pagpapapogi at paninira sa kalaban ang bumungad sa unang araw ng kampanya nitong Martes para sa mga kandidato sa pambansang posisyon sa darating na halalan sa Mayo. More
Pagdakip sa 43 health workers sisiyasatin ng Senado
02/09/2010 | 09:28 PM
MANILA – Kahit nakabakasyon ang Kongreso, naghain ng resolusyon si Sen. Pia Cayetano sa kapulungan para imbestigahan ang pag-aresto sa 43 health workers sa Morong, Rizal na pinaghihinalaang... More
Pagdanganan pinayagan ng umupo bilang gobernador ng Bulacan
02/09/2010 | 08:44 PM
MANILA – Opisyal ng manunungkulan bilang gobernador ng Bulacan si dating Agrarian Reform Secretary Roberto Pagdanganan matapos ibasura ng Commission on Elections (Comelec) ang apela ng pinatalsik... More
Feb 16, 2010: Huling araw ng aplikasyon ng WWII vets para sa US benefits
02/09/2010 | 06:34 PM
MANILA – May isang linggo pa para makapagsumite ng aplikasyon ang mga Pilipinong beterano ng World War II upang makatanggap ng mga benepisyong ipinagkakaloob ng mga Amerika. More
Comelec bigong mag-report sa Kongreso tungkol sa automated polls
02/09/2010 | 05:54 PM
MANILA – Nagpahayag ng pagkabahala nitong Martes si Speaker Prospero Nograles Jr kaugnay sa kabiguan ng Commission on Elections (Comelec) na magsumite sa Kongreso ng ulat tungkol sa kalagayan ng... More
Isiniwalat ni Enrile na panunuhol ni Villar pinagdududahan
01/27/2010 | 09:52 PM
MANILA – ‘Dapat pa bang paniwalaan ang tao na minsan ng umamin na pineke niya ang sariling ambush noong panahon ng martial law? More
Pinay sa Saudi nagpamalas ng kabayanihan sa pagtulong sa kababayan
01/27/2010 | 05:21 PM
JEDDAH, Saudi Arabia – Isang Pinay ang nagpakita ng kabayanihan nang tulungan ang isang kababayan domestic hleper na minaltrato ng kanyang amo sa loob mismo ng paliparan sa Dammam. More
Lalaki kulong matapos humirit ng sex kapalit ng naked pics ng ex-gf
01/27/2010 | 04:25 PM
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Sa halip na malambot na kama, matigas na rehas ang hinihimas ngayon ng isang 38-anyos na nursing student matapos ipakulong ng kanyang dating kasintahan. More
Shell pinayuhang ayusin ang ‘utang’ na P7B kaysa manakot
01/26/2010 | 11:59 PM
MANILA – Sa halip na sindakin ang gobyerno, pinayuhan ng ilang mambabatas ang pamunuan ng Pilipinas Shell na humanap ng paraan kung papaano babayaran ang P7.3 bilyong utang umano nito sa buwis. More
ADVERTISEMENT