Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Mo Twister says Hayden kept sex videos


Ang limang hosts ng Showbiz Central na sina Pia Guanio, Raymond Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Mo Twister, at John "Sweet" Lapus ang mga kauna-unahang sumalang sa taong 2009 para sa "Don't Lie To Me" segment, na ngayon ay digital na ang lie-detector machine na ginagamit. Isang tanong lang ang puwedeng ibatong tanong ng isang host na matotokang magtanong sa kanyang co-host habang nakakabit dito ang lie-detector machine. JOHN LAPUS. Bilang siyang host ng naturang segment, si Sweet ang unang na-interrogate at si Raymond ang natokang magtanong sa kanya. Ang tanong ni Raymond ay kung sa palagay ba ni Sweet ay may kinalaman si Boy Abunda kung bakit hindi siya nakasama sa pinakabagong billboard ads ng Calayan endorsers. Sweet answered "Yes." Sabay sabing, "Paapelahin n'yo ako after ha. Honestly, yes!" Tumugma naman ang resulta ng lie-detector machine na "Truth" ang lumabas sa sagot niya. Paliwanag ni Sweet, "Bago maging isyu, paapelahin n'yo muna ako. Feeling ko naman, not directly. Buong December, simula nang lumabas ‘yang billboard na ‘yan, Pia, ang dami nang nangungulit sa akin. Oo nga naman, two years na akong endorser ng Calayan..." Dinugtungan ito ni Pia ng komentong masugid daw na bumabati si Sweet sa Calayan Surgicentre kada linggo. "Precisely, that's my point!" susog ni Sweet. "So, bakit lahat, ako lang ang wala? Yung mga reporters, tinatanong ako. Noong una, deadma ako, pero nagsimula na akong maapektuhan, nag-self-pity na ako. ‘Girl, oo nga, bakit wala ako? Hindi ba ako maganda?' Si Doc Manny at si Dra. Pie [Calayan] ang nagpaganda sa akin. "Alam n'yo naman ako, praning ako sa ganyan. In fairness naman talaga, apparently, the company pala that is handling the ads campaign for Calayan is owned pala by Tito Boy, Kris Aquino, and si Dondon Monteverde ‘yang pangatlo. Grupo sila. "But in fairness kay Tito Boy, nakausap ko na rin yung mga taong involved, dun sa mismong ads, hindi siya nakialam. So, ang feeling ko, ang mga nakialam sa konsepto, again, not indirectly, kapag isinama ko pa si John Lapus, baka dalawa na silang bakla run," lahad ni Sweet. Sinabi ni Rufa Mae kay Sweet na humingi na lang siya ng solong billboard kay Dr. Calayan. Pahayag naman ni Sweet: "Well, in fairness, si Doc Manny, kadarating lang niya. Nag-text siya sa akin at meron daw siyang pasalubong. Hindi ko pa lang alam kung ano. Pero Doc, ibalik mo ang peace of mind ko. Please, enlighten me. Hindi ko pa alam ang nangyari." Hirit naman ni Raymond, baka solo billboard daw ang pasalubong sa kanya ni Doc Manny. "Why not? Gusto ko yun!" sabi ni Sweet. RAYMOND GUTIERREZ. Si Raymond naman ang sumunod na isinalang sa lie-detector machine at si Mo Twister naman ang nag-interrogate sa kanya. Ang tanong ay kung nagseselos ba si Raymond sa success ng kambal niyang si Richard Gutierrez? "No" ang naging sagot ni Raymond na sinang-ayunan naman ng lie-detector machine. Ayon kay Raymond, "Of course not! Bilang magkakapatid, iba ang career direction namin. Iba ang career direction niya as an actor, iba ang career ko as a TV host. His job demands more time, so iba ang pay sa kanya. Ako naman, I have the whole week off to do what I want and I really like what I do." Sinadya ba talaga niya na maiba siya sa career path ng mga kapatid? "I just wanted to do something that I like," sagot ni Raymond. "I cannot take the hours of taping. Hindi ko kaya yung oras talaga. And for me, I'm 100 percent supporter of my brother. Wala akong selos sa katawan in terms of that." Mo asked Raymond kung naiinis ba siya sa mga taong nagko-compare sa kanilang dalawa ni Richard. "Well, hindi pa ba sila tapos sa pagko-compare? Parang four years na ako sa showbiz. I think it's about time that they don't compare us anymore," sabi ni Raymond. PIA GUANIO. Si Pia ang ikatlong sumalang sa lie-detector machine at ang nag-interrogate sa kanya ay si Rufa Mae. Ang tanong kay Pia if she will ever consider doing a nude pictorial for Vic Sotto? Halatang nagulat si Pia sa tanong sa kanya kaya nasabi nitong, "P-chi [palayaw ni Rufa Mae], akala ko pa naman friend kita! Ikaw pa ang nagtanong sa akin ng ganyan! Si Mo Twister puwedeng magtanong sa akin ng ganyan, pero ikaw pa?" Hirit naman ni P-Chi, "I think, siya [Mo] ang gumawa ng tanong na ‘yan, ipinabasa lang sa akin!" Pia's answer is a big "No!" Pero "Lie" ang lumabas sa lie-detector machine. "Well, hindi ko alam kung bakit nag-lie ‘yan! Inspector?" natatawang reaksiyon ni Pia. "Hindi, na-high blood lang ako sa dami ng lechon, hamon, keso de bola na kinain ko over the holidays." Ayon sa mga co-host ni Pia, there's nothing wrong naman daw with that especially kung boyfriend naman niya. "Magwo-workout muna siguro ako," sabi naman ni Pia. RUFA MAE QUINTO. Ika-apat na sumalang sa lie-detector machine ay si Rufa Mae, kung saan may threat si Pia, na siyang nagbato ng tanong kay P-Chi, na gagantihan daw niya ito. Bago magtanong ay humirit muna si Pia ng: "Stop muna ang friendship, ha." Ang tanong: Naging kayo ba talaga ni Billy Crawford? "No" ang sagot ni Rufa Mae pero kagaya ni Pia ay "Lie" rin ang lumabas na resulta. "Hindi, 2009 na po!" apela ni Rufa Mae. "Ayoko nang pag-usapan ang kahit sinong past. Kasi nga, di ba, ano ba ‘yan? I'm excited for my future. Pero huwag na natin itong ulitin ulit!" tawa niya. MO TWISTER. Pinakahuling in-interrogate ay si Mo Twister, na nangakong magiging honest at palagi naman daw siyang honest siya sa bawat sagot. Ang nagtanong sa kanya ay si Sweet, na pinaghandaan daw talaga ang kanyang katanungan. Ang tanong Sweet kay Mo ay kung meron ba talagang sex video ang kaibigan niyang si Dr. Hayden Kho. "Hindi ko naman buhay ‘yan, a!" nagulat na reaksiyon ni Mo. Pero pagkatapos nito ay sumagot siya ng "Yes" at "Truth" ang naging resulta nito. "Narinig ko lang...narinig ko lang," natatawang sabi ni Mo. Tinanong ni Sweet kay Mo kung saan niya narinig. "Sa mga techinician doon..." sagot ni Mo. Follow-up naman ni Rufa Mae: "Saan, sa Greenhills?" "Hindi! You know, hindi ko napanood kung meron. Parang feeling lang," sabi ni Mo. Tanong ni Sweet kung tinanong daw ba ni Mo si Hayden. "Nahiya ako, e," sagot ni Mo. "Just assuming. Okey lang naman yun, e. Sabi naman ni Pia, if ever, puwede rin. Hala! Nandamay pa!" Tinapos ni Sweet ang naturang segment sa pagsa-suggest na dapat daw sigurong maulit ang pagsalang nilang lima sa lie-detector machine dahil silang tatlo lang daw nina Raymond at Mo ang nakakuha ng "Truth" while the two girls, Rufa Mae and Pia, got a "Lie." Hirit pa ni Sweet, ang mga tanong naman daw nila ay mga isyu talaga na pinag-uusapan maging sa ibang talk shows. Hindi raw ito imbento tulad sa iba. - Philippine Entertainment Portal