Filtered By: Showbiz
Showbiz

KC admits exerting effort to make Gabby-Sharon reconciliation possible


Halos wala pang isang taon ang pagitan ng una at ikalawang pagtatambal sa pelikula nina Richard Gutierrez at KC Concepcion. Ito ay may kaugnayan kasi sa deal ng bawat kampo sa Star Cinema at ABS-CBN para sa naunang pelikula na For the First Time, at ito ngang para sa Regal Entertainment at GMA Films, ang malapit nang itanghal na When I Met You. Bihirang mangyari ang ganitong merging sa pagitan ng dalawang malaking film outfits at sa ngayon, malabo ring maulit ito, na dalawang malaking artista ng magkaribal na TV networks ay magsasama sa isang pelikula. Sa press conference na ginanap noong January 10 sa Imperial Palace Suites, kapansin-pansin na both media people identified with ABS-CBN and GMA-7 were gathered together in full support for the second Richard-KC team-up, gaya rin ng nangyari noon sa Star Cinema. "This could have not been possible without our managers," sabi ni KC. "Mahirap ang kanilang ginawang pakikipag-usap. With me are Tita Shirley Kuan and Tita Sandra Chavez, and for Richard, there's Tita Annabelle [Rama, Richard's mom]. Thankful kami ni Richard sa kanila dahil hindi nila kami pinabayaan, from Star Cinema to Regal-GMA. "It's true, matatagalan bago kami magsama uli ni Richard sa pelikula. This would not be the end. But we're very sure, it will take a year or two bago kami magsama uli. Masaya kami ni Richard dahil na-accomplish namin ang isang bagay na parang imposible, dahil may kanya-kanya kaming bahay, di ba? Kapamilya ako, Kapuso si Richard. Pero, possible pala. "I'm very happy 'cause they welcomed me with open arms. The GMA people made me feel at home and comfortable, at wala akong masabi sa special treatment na ibinibigay sa akin, hanggang ngayon na nagsu-shoot pa rin kami at inihahabol ang movie for a Valentine playdate," saad ni KC. CHANGE OF DIRECTORS. Nauna nang napabalitang si Jose Javier Reyes ang sumulat ng script at magdidirek sana ng pelikula. Pero nag-beg off ito for some reasons. "Naintindihan ko naman siya," sabi ni KC. "Nagkita kami sa birthday concert ng mommy ko [Sharon Cuneta] sa Araneta Coliseum, at doon, nilinaw niya sa akin na labas kami nina Richard sa desisyon niyang tanggihan ang pagdidirek sa movie. "I felt bad noong una, kasi wish namin talaga ni Richard na makatrabaho si Direk Joey. Pero blessing din naman na si Direk Joel Lamangan na ang nag-handle, 'cause thankful kami kay Direk Joel. Hinarap niya yung responsibilities, at matatapos naman namin ang pelikula sa target date. So far, maayos at tuluy-tuloy ang shooting. Hahabol kami sa playdate." Kung anuman ang mga rason ni Direk Joey, they are all professional reasons between him and the GMA Films people. Ito rin naman ang kinaklaro ng direktor. Ani KC, "I'm looking forward to that day na magkatrabaho kami ni Direk Joey, kasi isa siya sa close friends ng mommy ko. Kaibigan siya ng family namin, just like Direk Joel. Familiar na ako sa kanya, kasi lagi siyang katrabaho ng mommy ko. "Pero kung hindi pa puwede ngayon, I'm sure sa ibang pagkakataon. So far, happy kami ni Richard sa pakikipagtrabaho kay Direk Joel. I was warned nga by Richard na very particular sa time si Direk Joel. Ayaw niya ng may nale-late. Ayaw niya ng delays. "Kabado ako noong una, pero habang tumatagal, naging comfortable na ako. Aside from Richard, Direk Joel makes me feel good. Hindi naman niya kailangang gawin, but he's pleasant to work with. Very particular lang talaga siya sa discipline and professionalism, which is what I like, too," patuloy ni KC. THE NEXT 'SHARON-GABBY'? Ang feeling ni KC, swak lahat ng magagandang nagaganap sa buhay niya ngayon. Marami na ang nag-aabang sa When I Met You, na maari raw ihanay sa tambalan ng magulang niya na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion noon. "Although, they are my parents, mahirap na basta i-compare yung napatunayan nila sa ginagawa namin ngayon ni Richard," sabi ni KC. "Noong time nila, my gosh, alam kong they were being tagged as the King and Queen! Hanggang ngayon naman, ganoon pa rin ang treatment sa kanila ng marami sa industry. "Kaya ako ang medyo nahihiya kapag naku-compare pa kami dahil marami pa kaming dapat patunayan para masabing narating namin kahit katiting man lang ng na-achieve ng love team ng parents ko. I'm very much aware of that," dugtong pa ni KC. Masaya si KC dahil maayos na ang lahat sa pagitan nina Sharon at Gabby. Sa nakaraang birthday concert ni Mega sa Big Dome, may VTR greeting sa kanya si Gabby. Isa itong hudyat na okey na talaga ang parents ni KC. "Okey naman talaga sila, but I really exerted effort para maging friends talaga sila ulit," sabi ni KC. "Yung maging maganda at maayos pa rin ang tratuhan. Kasi ako ang talagang magiging masaya kung ganoon, kahit alam kong may kanya-kanya na silang buhay, at imposibleng magkabalikan na sila. "Alam ni Richard 'yan. Lagi kong nasasabi 'yan sa kanya, and he always tells me, maaayos din ang lahat in due time. Palagay ko, ito na nga ang pagkakataon na yun." - Philippine Entertainment Portal