Filtered By: Showbiz
Showbiz

Vicki Belo admits breakup with Kho partly her fault


MANILA, Philippines – Pinawi ni Dr. Vicki Belo ang mga usap-usapan na si Dr. Hayden Kho lang ang may pananagutan sa kanilang naging kontrobersyal na hiwalayan. Sa eksklusibong panamayan sa "Showbiz Central" ng GMA noong Linggo, inamin ni Belo na may pananagutan din siya sa kinahinatnan ng kanilang relasyon dahil siya ang nagtulak kay Kho na pasukin ang showbiz. "Everybody’s mad at Hayden, pero frankly I think I'm partly at fault also kasi pinilit ko yung tao maging showbiz," paliwanag ni Belo. "When I met him he was a very simple person. I pushed him to go into showbiz I wanted him to be famous. I wanted him to be recognized right away kasi of course I felt bad for him because he's always known as Vicki Belo's boyfriend." Pinagtanggol din niya ang dating kasintahan sa mga alegsayon na ginamit lang daw siya nito para sa mga pansaraling kapakanan nito. "Well I think kasi hindi niya ako ginamit," sabi ni Belo. "Although, for everybody automatic naman yan pag nakita younger guy, older woman ay ginagamit. Pero, of all the people that I've ever been with Hayden's been the most generous." Ang ibig sabihin ba nito ay may nararamdaman pa si siya para kay Kho? Nauna nang inamin ni Belo na mahal niya pa ang dating boyfriend. Ngunit mariin na sinabi ng beauty icon na hindi na niya babalikan pa ang batang doktor. Ang mga malapit naman sa kanya ay sumangayon sa desisyon niyang tuluyang waksan na ang namamagitan sa kanila ni Kho. "I think I understand where they are coming from kasi kahit ako naman I feel personally bad if I go back to him," sabi ni Belo. "They're just worried about me ayaw lang nila akong masaktan." Sa ngayon, tinatahak ni Belo ang daan upang mahanap niya ang totong kaligayahan. "It's a feeling of joy sana lang it emanates from me and it doesn't have anything to do with the situation or where I am," sabi niya. "That's what I am aiming for na sana nga lang I'm joyful not just happy, kasi pag happy pag iniwan ka na ng somebody hindi ka na happy." Dagdag pa niya na isang hamon daw sa kanya ngayon ito. "Unfortunately, I'm the kind of woman who kind of needs a man in her life," paliwanag ni Belo. "So, I'm willing to get challenged. So ngayon wala. So tingnan natin if I can find happiness without a man." May natutunan naman daw siya sa masakit na hiwalayan na ito. "Ang na-realize ko dito ay you should never love a man more than you love yourself and you should take care of yourself first," sabi niya. At para kay Kho, walang ibang hiling si Belo kung hindi ang magandang kinabukasan. "I believe he's a good person," sabi niya. "He's a wonderful doctor sana he'll find his way to do what he wants to do kasi he's very idealistic when I met him eh." - Aie Balagtas See, GMANews.TV