Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

'Ultra tragedy' ginunita; Hustisya lumalabo, ayon sa VACC

MANILA – Ginunita ng mga pamilya ng mga naging biktima ng tinaguriang “Ultra stampede" tragedy nitong Miyerkules ang malagim na aksidente sa PhilSports Arena sa Pasig City na naganap noong 2006 kung saan 71 tao ang nasawi.

Sa ulat ng GMA’s Flash Report, sinabing dumalo rin sa pagtitipon ang mga miyembro ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

Nakasuot ng itim na damit, nagsindi ng kandila at nag-alay ng bulaklak at panalangin ang mga dumalo sa pagtitipon para sa mga namatay sa naganap na tulukan noong Feb. 4, 2006.

Matatandaan na tinatayang 30,000 tao ang nagtungo sa PhilSports Arena nang araw na iyon para sumali sa pakontes ng noontime show na "Wowowee" ng ABS-CBN.

Nauwi sa trahedya ang dapat sanang masayang anibersaryo ng programa nang ihayag ng nag-organisa na hindi lahat ng tao ay makapapasok sa arena. Kasunod na nito ang pag-uunahan at tulakan ng mga tao kung saan marami ang naipit at nadaganan.

Sa paggunita ng trahedya nitong Miyerkules, pinuna ni VACC chairman Dante Jimenez na tila lumalabo na ang pag-asa ng mga biktima na makakuha ng hustisya sa paglipas ng mga taon.

Sinabi ni Jimenez mabagal ang pag-usap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and physical injuries na isinampa nila laban sa 16 opisyal ng ABS-CBN.

Inalis naman ng Department of Justice sa asunto ang host ng programa na si Willie Revillame dahil wala naman umano itong pananagutan sa naganap na aksidente.

Lumitaw sa imbestigasyon ng Task Force Ultra at National Bureau of Investigation na may probable cause o basehan para isampa ang kasong kriminal laban sa mga isinakdal.

Noong Enero 2008, nagpalabas ng desisyon ang Korte Suprema upang ibasura ang mosyon ng ABS-CBN na kumukwestyon sa resulta ng paunang imbestigasyon ng DOJ. - GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
Mga kandidato umarangkada sa unang araw ng kampanya
02/09/2010 | 11:20 PM
MANILA – Kanya-kanyang gimik, pagpapapogi at paninira sa kalaban ang bumungad sa unang araw ng kampanya nitong Martes para sa mga kandidato sa pambansang posisyon sa darating na halalan sa Mayo. More
Pagdakip sa 43 health workers sisiyasatin ng Senado
02/09/2010 | 09:28 PM
MANILA – Kahit nakabakasyon ang Kongreso, naghain ng resolusyon si Sen. Pia Cayetano sa kapulungan para imbestigahan ang pag-aresto sa 43 health workers sa Morong, Rizal na pinaghihinalaang... More
Pagdanganan pinayagan ng umupo bilang gobernador ng Bulacan
02/09/2010 | 08:44 PM
MANILA – Opisyal ng manunungkulan bilang gobernador ng Bulacan si dating Agrarian Reform Secretary Roberto Pagdanganan matapos ibasura ng Commission on Elections (Comelec) ang apela ng pinatalsik... More
Feb 16, 2010: Huling araw ng aplikasyon ng WWII vets para sa US benefits
02/09/2010 | 06:34 PM
MANILA – May isang linggo pa para makapagsumite ng aplikasyon ang mga Pilipinong beterano ng World War II upang makatanggap ng mga benepisyong ipinagkakaloob ng mga Amerika. More
Comelec bigong mag-report sa Kongreso tungkol sa automated polls
02/09/2010 | 05:54 PM
MANILA – Nagpahayag ng pagkabahala nitong Martes si Speaker Prospero Nograles Jr kaugnay sa kabiguan ng Commission on Elections (Comelec) na magsumite sa Kongreso ng ulat tungkol sa kalagayan ng... More
Isiniwalat ni Enrile na panunuhol ni Villar pinagdududahan
01/27/2010 | 09:52 PM
MANILA – ‘Dapat pa bang paniwalaan ang tao na minsan ng umamin na pineke niya ang sariling ambush noong panahon ng martial law? More
Pinay sa Saudi nagpamalas ng kabayanihan sa pagtulong sa kababayan
01/27/2010 | 05:21 PM
JEDDAH, Saudi Arabia – Isang Pinay ang nagpakita ng kabayanihan nang tulungan ang isang kababayan domestic hleper na minaltrato ng kanyang amo sa loob mismo ng paliparan sa Dammam. More
Lalaki kulong matapos humirit ng sex kapalit ng naked pics ng ex-gf
01/27/2010 | 04:25 PM
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Sa halip na malambot na kama, matigas na rehas ang hinihimas ngayon ng isang 38-anyos na nursing student matapos ipakulong ng kanyang dating kasintahan. More
Shell pinayuhang ayusin ang ‘utang’ na P7B kaysa manakot
01/26/2010 | 11:59 PM
MANILA – Sa halip na sindakin ang gobyerno, pinayuhan ng ilang mambabatas ang pamunuan ng Pilipinas Shell na humanap ng paraan kung papaano babayaran ang P7.3 bilyong utang umano nito sa buwis. More
Sesyon ng Senado nilayasan ni Sen Santiago
01/26/2010 | 09:21 PM
MANILA – Galit na nilayasan ni Senador Miriam Defensor Santiago ang sesyon ng Senado nitong Martes matapos magtalumpati upang ilabas ang galit kay Senate President Juan Ponce Enrile. More
ADVERTISEMENT
Feb 16, 2010: Huling araw ng aplikasyon ng WWII vets para sa US benefits
2010-02-09 18:34:35
MANILA – May isang linggo pa para makapagsumite ng aplikasyon ang mga Pilipinong beterano...
Dog waste piling up at Wyoming forest trails
2010-02-10 09:45:09
JACKSON, Wyo. – A smelly problem is piling at trails around Jackson where people go hiking and...
17 troops dead, 53 saved in Kashmir avalanche
2010-02-08 18:08:19
(Updated 10:30 p.m.) SRINAGAR, India – A massive avalanche plowed into an Indian army...
Actor Gary Coleman pleads guilty in Utah court
2010-02-09 09:31:27
SALT LAKE CITY – Former child television star Gary Coleman pleaded guilty Monday to a misdemeanor...