Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Tainted fish revealed on Imbestigador


Episode on February 7, 2009 Saturday, 9:30 p.m. Imbestigador discovers another irregularity in the fish port of Malabon. Some vendors palpably mix "Jobos", a type of coloring used for shoes and fabrics, on the basins of fish that they will sell. This process actually makes the fishes appear fresh and attractive to buyers. However, according to the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources or BFAR, this is a clear case of deception to consumers and is possibly dangerous to health. And because this act is a violation to the Philippine Fisheries Law, BFAR and Imbestigador immediately took action. 20 basins of fish were confiscated and the vendors who were caught in the act were reprimanded. Learn how to spot a "tainted' fish this Saturday on Imbestigador, with Mike Enriquez after Kapuso mo Jessica Soho on GMA.
Kahit bilasa na ang mga isda, nagmumukha pa ring sariwa. Kahit maputla, napapakintab at napapatingkad ang balat ng isda. Ito ang raket na nabisto ng Imbestigador sa ilang mga namamakyaw at biyahero ng isda. Sariwa nilang nabibili ang mga isda mula sa malaking bagsakan sa Malabon City. Pero dahil ibibiyahe pa ng mga namamakyaw ang banye-banyerang isda papunta sa iba't ibang palengke sa kalakhang Maynila at mga karatig-probinsiya, nakaisip sila ng paraan para mas tumagal ang sariwang anyo ng mga isda - nilalagyan nila ito ng jobos o pangkulay ng damit at sapatos! Sa pagmamanman ng Imbestigador, lantaran ang ganitong kalakaran sa labas at madidilim na lugar malapit sa palengke. Kaya walang lusot sa kamera ng Imbestigador ang pagkukulay ng mga namamakyaw, kargador at biyahero ng mga isda. Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR, malinaw na pandaraya sa mga mamimili ang kalakarang ito. Maari ring delikado sa kalusugan ng tao ang pagkain ng mga isdang may jobos. Dahil paglabag ito sa Philippine Fisheries Law, agad na umaksyon ang BFAR at Imbestigador at humigit kumulang dalawampung banyera ang nakumpiska! Kabilang ka kaya sa mga napekeng mamimili ng nakulayan na isda? Paano malalaman kung ang isdang nabibili mo ay may jobos o wala? Alamin ang mga kasagutang ibubulgar ni Mike Enriquez ngayong sabado sa Imbestigador pagkatapos ng Kapuso Mo Jessica Soho sa GMA7.
Tags: imbestigador