Filtered by: Showbiz
Showbiz
KC, Richard: We might become couple someday
MANILA, Philippines – Inamin ng hottest love team na sina KC Concepcion at Richard Gutierrez na malaki ang posibilidad na maging sila in the future. Sa "Don't lie to me" portion ng "Showbiz Central" nitong Linggo sabay sumagot ng "yes" ang dalawa sa tanong ni host John "Sweet" Lapus: "May pag-asa ba na ang inyong bonggang-bongang friendship mauwi sa relasyon? Sabi ni Richard, nang pina-apela ito ni Sweet, na hindi raw niya hawak kung ano ang pwedeng mangyari bukas, pero hindi raw siya ang tipo ng tao na magsasara ng pinto sa magandang oportunidad lalo pa’t maganda ang samahan nila. "Why not?" sabi ng actor. Si KC rin naniniwala na wala sa kamay nila ang mga pwedeng mangyari. Ngunit tulad ni Richard sinabi ni KC na maganda ang samahan nila at "sa akin very important yun’ for any relationship to be." Ayon kay Sweet meron atang ka-kumpetensiya si Richard sa puso ng megadaughter. Maaari din na ito ang maging kakumpetensiya ni Richard sa darating na Valetine's Day. Hindi naman nagpakita ng takot si Richard at sinabi lang nito na "may the best man win" at sabay ngiti. Kung si KC at Richard ang magiging magka-date sa Valentine's Day ay hindi nila sinabi, ngunit pinaamin sila ni Sweet kung nung Valentine's Day last year ay magka-date sila. "Yes," ang sagot ng dalawa. Dagdag pa ni KC na "whole day" at "from breakfast until midnight" ang kanilang naging date. Sinabi rin ni Richard na hindi sa Pilipinas nangyari ang date at ito raw yung mga panahon na kinikilala pa nila ang isa’t isa. Inamin din ng dalawa na madalas silang magkausap sa telepono kapag hindi sila magkasama sa shooting ng kanilang pelikulang "When I met you." Ano naman ang pinaguusapan nila? "Ano, ano yung hilig namin – pangangabayo ba yun? Paris ba yun? Travels ba yun?" sabi ni KC. Si Richard daw ang madalas gumagawa ng first move sa pagtawag sa aktres. "Oo, siyempre kailangan ko mag-reach out. Si KC masipag mag-update 'yan sa text," dagdag ni Richard. Mama’s boy si Richard at mama’s girl naman si KC. Alam din sa buong mundo kung gaano kamahal ni KC si Megastar Sharon Cuneta at si Richard naman si Annabelle Rama. Pero mariin na sinabi ng dalawa na ayaw nilang makasama ang mga ina nila kung magkakaroon sila ng pagkakataon na ma-stranded sa isang island. "Huwag naman sana sasama loob nila," sabi ni Richard. "Kasi nakaka-pressure 'pag maraming sumasali, hindi natural," dagdag ni KC. - Aie Balagtas See, GMANews.TV
Tags: kcconcepcion, richardgutierrez
Find out your candidates' profile
Find the latest news
Find out individual candidate platforms
Choose your candidates and print out your selection.
Voter Demographics
More Videos
Most Popular