Filtered By: Showbiz
Showbiz

Eraserheads reunion gig all set for March 7


Plantsado na ang lahat para sa pinakahihintay na part 2 ng reunion concert ng Eraserheads na gaganapin sa March 7 sa SM Mall of Asia sa Pasay City. Sa panayam ni GMA reporter Lhar Santiago na ipinalabas sa "24 Oras," sinabi ni Diane Ventura, asawa’t manager ni vocalist Ely Buendia, na mas malaki at mas pinaganda ang gaganaping concert kumpara sa nakaraan nilang performance sa The Fort sa Taguig City. Pinamagatang "The Last Set," ito ang huling beses na magkakasama ang grupo, ayon pa rin kay Diane. Ang GMA Network ay media partner ng nasabing concert. Dagdag pa ni Diane, bilang paghahanda ay inaalagaan ni Ely ang kanyang kalusugan upang hindi na maulit ang nangyari sa kanilang concert noong August, kung saan nahinto ito dahil sa biglang pagsakit ang dibdib ng lead vocalist. Sa katunayan raw, madalas ang pagpapa-kunsulta ni Ely ngayon sa doktor para siguraduhin na siya ay nasa mabuting kundisyon. "Siyempre he has to be there for everyone who loves him. If you want to be part of the history, if you want to see the four of them for this one night only, with this final last set, be there," pag-anyaya ni Diane. - GMANews.TV