Filtered By: Showbiz
Showbiz

Glaiza de Castro admits dating Patrick Garcia


MANILA, Philippines - Inamin ni Glaiza de Castro na nagkikita at lumalabas sila ni Patrick Garcia. Ano naman kaya ang masasabi rito ni Jennylyn Mercado na dating karelasyon ng aktor at kung saan mayroon silang anak? Bagaman hindi ikinaila ni Glaiza na may paghanga siya kay Patrick, hindi pa naman daw masasabing sila na. Nasa punto pa lang daw sila sa pagkilala sa isa’t-isa. “He’s cool…marami kang matutunan sa kanya. Pwede kayong mag-usap tungkol sa iba’t ibang bagay, so ayos sya," pahayag ni Glaiza sa Chika Minute portion ng GMA news “24 Oras" nitong Miyerkules. Idinagdag ng aktres na hindi nila napag-uusapan ni Patrick si Jennylyn. “Kung ano lang din ang sinasabi nya, yun lang din ang pinapakinggan ko. Wala akong bino- brought out na isyu,"paliwanag ni Glaiza na nagsabi ring walang dahilan para mag-away sila ni Jen. Maging si Jennylyn ay nagsabing walang dahilan para magkaroon sila ng iringan ni Glaiza . Tapos na raw ang lahat sa kanila ni Patrick. Kaya wala na umano siyang pakialam kung ano man ang namamagitan sa aktor at kay Glaiza. “Good friends kami ni Glaiza and wala kaming… hindi kami nag-aaway, ayoko ko ng gulo kung pwede lahat kaibigan ko," paliwanag ni Jen. - Fidel Jimenez, GMANews.TV