Sadomasochism and excessive pregnancies
02/12/2009 | 03:46 PM
Episode on February 13, 2009
Friday night after Saksi
Sadomasochism
Kung ang ibang tao, ayaw masaktan, may ibang tao naman na hinahanap-hanap ang sakit sa katawan lalo na bago makipagtalik! Sadomasochism ang tawag dito.
Pagpatak ng kandila sa buong katawan ang isa sa mga seremonyas na ginagawa ni “Cyber" bago makipagtalik. Ito raw kasi ang nagpapagana sa kanyang libido.
Si “Cyrus" naman puro latay ng sinturon sa likod ang makikita. Ebidensya ito ng marahas na pakikipagtalik niya. Pero tulad ni Cyber, ok lang sa kanya ito dahil bahagi ito ng kanyang ritwal sa kama.
Ibubulgar ng Emergency ang nakatagong mundo ng mga masokista at ang peligrong banta nito sa kanila.
Labis labis na labing-labing
Ang mag-asawang Amelia at Carding Calma, nagbunga ang pagmamahalan...ng dalwampu’t isang anak! Pero swerte si misis dahil nailabas niya ang mga bata nang ligtas. Dahil may ibang ina, tulad ni Alicia na isang buwan nang dinudugo, namemeligro ang dinadala at ang sariling kalusugan dahil sa labis labis na pagluluwal ng bata.
Ayon sa eksperto, ang panganganak ng mahigit pa sa limang bata ay nagiging sanhi ng mas mataas na tsansa ng pagkakasakit ng ina.
Tuklasin ang peligrong kinakaharap ng mga inang labis labis ang anak.
Huwag palalampasin ang mga kwentong ito na napapanahon sa araw ng mga puso sa Emergency, biyernes, kasma si Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi.