Filtered By: Topstories
News

Concert sa UP fair ginulo, 18 sugatan


MANILA – Tinatayang 18 tao ang nasugatan, kabilang ang isang pulis sa naganap na kaguluhan sa loob ng besinidad ng University of the Philippine sa Quezon City nitong hating-gabi ng Biyernes. Inulat sa dzBB nitong Sabado na dahil sa kaguluhan ay napilitan ang mga opisyal ng UP fair na ipatigil ang konsyerto at humingi ng ayuda sa Quezon City Police District. Kabilang sa mga nasugatan ay nakilalang si UP police sergeant Ramon Mondrigo na nagtamo ng sugat sa ulo. Sa paunang imbestigasyon, lumitaw na may grupo ng mga kabataan na nagpilit makalapit sa ginanap na concert sa UP Sunken Garden. Ngunit nanggulo umano ang grupo nang pigilan silang makalapit. Sinabing itinumba ng mga kabataan ang bakod na nakapaligid sa concert area kaya nadesisyon na ang event organizers na itigil ang konsyerto dakong 12:30 a.m. Sabado. – GMANews.TV
Tags: rumble, crime, trouble