Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dennis Trillo on Heart: She makes me speechless


Una nang naibalita dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na hindi na nga matutuloy ang pagsasamahan sanang project nina Dennis Trillo at Heart Evangelista, ang Sine Novela Presents Muling Buksan Ang Puso. At muli nga itong kinumpirma ni Dennis sa Startalk. Disappointed nga ba siya? Bakit hindi na matutuloy? "Hindi ko pa alam talaga kung matutuloy siya o hindi. Pero kung matuloy man o hindi, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na makatrabaho siya. Kung hindi matuloy, siguro hindi pa oras. Kung matuloy, e, di mas OK. Nandito lang naman kami sa GMA, e, imposibleng hindi kami makagawa ng project together," pahayag ni Dennis. Very vocal si Dennis sa pagsasabing crush niya si Heart. Puwede niya kayang ligawan si Heart? "Well, siyempre alam nating napakaganda niya, talented. Halos lahat humahanga sa kanya. Isa lang ako sa mga honest na nagsasabing humahanga talaga ako. Yung posibilidad, siyempre maraming posiblidad. Pero ayoko namang madaliin na kahit ano. Pero kung posibilidad ang pag-uusapan, hindi malabo siyempre." Gumawa na ba siya ng first step? Nagpadala na ba siya ng flowers, lalo na birthday ni Heart kahapon, February 14? "Oo nga birthday niya at saka Happy Valentine's Day. Yung sa question, wala pa, e. Kasi bihira pa yung magkasama kami ng matagal talaga. Sa SOP, bihira naman kaming mag-usap. At saka natatameme ako kapag nakikita ko siya, e. Naii-starstruck ako." Natanong din kung gaano sila kadalas magkita ng anak niyang si Calix. "Madalas, kapag pumupunta ako sa house nila. Or kapag palipat ako ng location, tapos may matagal na time in between, yun dadalaw ako. Mas madalas kaysa dati. Nandun ba ang nanay ni Calix na si Carlene Aguilar, kapag dumadalaw siya? "Minsan nandun. Minsan mga lolo't lola niya lang." Baka naman si Carlene talaga ang dinadalaw niya at hindi si Calix? "Hindi naman. Kapag pumupunta ako doon madalas wala si Carlene." Sa huli, nagpasalamat naman si Dennis sa top rating ng Gagambino, mula sa simula hanggang sa pagwawakas daw sana. "Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng sumuporta mula simula hanggang sa matapos ang Gagambino. Sana po subaybayan n'yo ang huling linggo ng Gagambino." - Philippine Entertainment Portal