Filtered By: Showbiz
Showbiz

Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo to wed this year


Tuloy na tuloy na ang kasal ng drama princess na si Judy Ann Santos sa boyfriend of four years niyang si Ryan Agoncillo ngayong taon, ayon mismo sa kanila. Sa Chika Minute portion ng "24 Oras," kinumpirma ni Juday na gaganapin ang kasal nila ngayong taon ngunit hindi pa raw naaayos ang eksaktong petsa nito. Sa kabila nito, nagtatampo raw ang manager ni Juday na si Alfie Lorenzo dahil tila nai-isantabi raw siya sa planning stage ng pag-iisang dibdib ng magkasintahan. Ayon kay Alfie, pupunta na lamang siya sa Amerika sa Mayo kung sakaling totoo ang mga naunang ulat na sa buwang ito ikakasal sina Juday at Ryan. "Mag-stay na lang ako sa New York throug out the month of May, ikasal man sila at least hindi ako makikita. Kung ano naramramdam ni Mommy Carol 'yun din ang nararamdaman ko kasi parang mawawalan ka ng anak. Hindi ako naniniwala sa sinasabi nilang you will gain a son-in-law," sabi ni Alfie. Naunang binalita ng Philippine Entertainment Portal na Sa May 4 na ngayong taon nakatakda ang pinaka-aabangan ngunit pribadong kasal ng dalawa. Itinanggi ito ng aktres. "Alam mo hindi ko maintindihan [kung] saan nanggagaling yung May 4. Siguro yun yung last year pa pero hindi talaga. Wala pa talaga,” ani Juday. Sa kabilang dako, siniguro naman ni Ryan na kapag nabuo na nila ang plano para sa kasal ay mamamanhikan na siya nang pormal . "My brother is my best man so he reminded me about the pamamanhikan kasi we're busy preparing sa bahay ngayon eh. We're putting the finishing touches sa bahay kailangan yung pormal na pamamanhikan,” sabi ni Ryan. Nagbigay naman ng patikim si Juday tungkol sa magiging kasal niya. Aniya, si megastar Sharon Cuneta ang kanyang magiging made-of-honor at ang wedding gown niya ay gagawin ni Paul Cabral. - Aie Balagtas See, GMANews.TV