Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Entertainment

Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo to wed this year

Tuloy na tuloy na ang kasal ng drama princess na si Judy Ann Santos sa boyfriend of four years niyang si Ryan Agoncillo ngayong taon, ayon mismo sa kanila.

Sa Chika Minute portion ng "24 Oras," kinumpirma ni Juday na gaganapin ang kasal nila ngayong taon ngunit hindi pa raw naaayos ang eksaktong petsa nito.

Sa kabila nito, nagtatampo raw ang manager ni Juday na si Alfie Lorenzo dahil tila nai-isantabi raw siya sa planning stage ng pag-iisang dibdib ng magkasintahan.

Ayon kay Alfie, pupunta na lamang siya sa Amerika sa Mayo kung sakaling totoo ang mga naunang ulat na sa buwang ito ikakasal sina Juday at Ryan.

"Mag-stay na lang ako sa New York throug out the month of May, ikasal man sila at least hindi ako makikita. Kung ano naramramdam ni Mommy Carol 'yun din ang nararamdaman ko kasi parang mawawalan ka ng anak. Hindi ako naniniwala sa sinasabi nilang you will gain a son-in-law," sabi ni Alfie.

Naunang binalita ng Philippine Entertainment Portal na Sa May 4 na ngayong taon nakatakda ang pinaka-aabangan ngunit pribadong kasal ng dalawa. Itinanggi ito ng aktres.

"Alam mo hindi ko maintindihan [kung] saan nanggagaling yung May 4. Siguro yun yung last year pa pero hindi talaga. Wala pa talaga,” ani Juday.

Sa kabilang dako, siniguro naman ni Ryan na kapag nabuo na nila ang plano para sa kasal ay mamamanhikan na siya nang pormal .

"My brother is my best man so he reminded me about the pamamanhikan kasi we're busy preparing sa bahay ngayon eh. We're putting the finishing touches sa bahay kailangan yung pormal na pamamanhikan,” sabi ni Ryan.

Nagbigay naman ng patikim si Juday tungkol sa magiging kasal niya. Aniya, si megastar Sharon Cuneta ang kanyang magiging made-of-honor at ang wedding gown niya ay gagawin ni Paul Cabral. - Aie Balagtas See, GMANews.TV
Other Entertainment stories
Paolo Contis: Xonia Aitana is my best bday gift
03/13/2010 | 11:46 PM
Masayang nakapanayam ng StarTalk ang bagong ama na si Paolo Contis. Sa kanyang kaarawan, wala na raw siyang mahihiling pa dahil ang kanyang baby na si Xonia Aitana ang pinamagandang regalo na... More
PEP: Nina Kodaka longs for a relationship with distant Japanese dad
03/13/2010 | 10:11 PM
Halos five years na ang nakalilipas nang huling nakita ni Nina Kodaka ang kanyang amang Japanese. May sarili na itong pamilya pero ayaw niyang isipin na sadyang iniiwasan na siya ng kanyang ama. More
Strong ratings for Leno's return to late-night
03/13/2010 | 03:53 PM
NEW YORK – After a smashing return, Jay Leno appears headed to a battle with David Letterman for late-night television supremacy. More
PEP: ‘Nagpapaseksi ako, pero hindi naman ako kabastos-bastos’ – Iwa Moto
03/13/2010 | 01:45 PM
Kahit nagpapa-seksi, sinabi ni Iwa Moto na hindi siya papayag na bastusin. Ikinuwento niya ang ilang karanasan kung saan may lalaking sumutsot sa kanya at gustong hawakan ang kanyang katawan. More
Authorities: Haim's name on illegal prescription
03/13/2010 | 01:27 PM
LOS ANGELES – The name of the late actor Corey Haim was found on a fraudulent prescription for a powerful painkiller that authorities said Friday was obtained through a major drug ring. More
FHM fetes 'sexiest women of the decade'
03/12/2010 | 11:25 PM
Nagsama-sama ang tinaguriang mga ‘Sexiest Women of the Decade’ ng FHM magazine sa 10th anniversary party na dinaluhan ng ilang Kapuso stars. More
PEP: StarStruck V winner Sarah Lahbati wants to be paired with Richard and Dingdong
03/12/2010 | 11:00 PM
Makaraang pumirma ng kontrata sa GMA Network, excited na ang StarStruck V Ultimate Female Survivor na si Sarah Lahbati na magtrabaho. At siyempre, kabilang sa mga Kapuso stars na nais niyang... More
'Girlicious' band member charged with having drugs
03/12/2010 | 09:48 PM
GLENDALE, Calif. – A member of the pop group Girlicious has been charged in California with drug possession with the intent to sell after Glendale police allegedly found a dozen plastic bags of... More
iGMA: What's new in Bubble Gang?
03/12/2010 | 04:55 PM
Now on its 15th year, Bubble Gang , the longest running gag-show in town has something new to offer. In an exclusive iGMA interview, we asked comedy giants Ogie Alcasid at Michael V kung ano ang... More
PEP: Francine Prieto wants to work to avoid being 'forever charity case'
03/12/2010 | 03:25 PM
Naging open si Francine Prieto sa pagsasabing wala siyang regular work lately at hindi sapat ang pera niya para maipagamot ang kanyang inang may sakit na cancer. Aniya, ang mga kaibigan, kakilala,... More
ADVERTISEMENT
Drink and ‘vote’
2010-03-12 19:49:19
May pakulo ang isang convenience store sa pamamagitan ng mga softdrink cup para itaas ang...
'Girlicious' band member charged with having drugs
2010-03-12 21:48:36
GLENDALE, Calif. – A member of the pop group Girlicious has been charged in California with drug...
Soldier killed in Davao City blast
2010-03-14 14:51:08
A soldier was killed and three of his companions were hurt when an improvised explosive device...
Wind, rain knock out power, divert US flights
2010-03-14 09:30:33
ATLANTIC CITY, New Jersey — Strong winds and heavy rain pounded parts of the US Northeast...