Pagpatay sa anak ng communist rebel leader sa Davao kinondena ng militar
03/07/2009 | 04:40 PM
KIDAPAWAN – Mariing kinondena ng 10th Infantry Division ng Philippine Army na nakabase sa Davao City ang ginawang pagdukot at pagpatay sa 20-anyos na anak na babae ng lider ng rebeldeng komunista na si Kumander Leoncio “Ka Parago" Pitao.
Tinawag ni Maj. Gen. Reynaldo Mapagu, commander of the 10th ID, na “dastardly act" at kagagawan ng mga kriminal ang pagdukot at pagpatay kay Rebelyn Pitao, isang guro sa Davao City.
Naniniwala umano si Mapagu na ‘law-abiding citizen’ si Pitao na pinili ang tahimik na buhay at pagtulong sa komunidad.
Tiniyak ng opisyal na tutulong ang Army sa pulisya sa imbestigasyon upang mabigyan ng katarungan si Pitao.
Pauwi na si Pitao, guro sa Saint Peter’s College sa Toril, Davao City, noong Miyerkules sa kanyang bahay sa Bago Gallera sa Talomo District nang dukutin ito ng mga armadong lalaki.
Kinabukasan (Huwebes) ay nakita ang kanyang mga labi sa bayan ng Carmen sa Davao del Sur na may mga saksak sa katawan.
Ayon kay Mapagu, nang malaman nila ang pagkawala ni Pitao ay nagpalabas kaagad siya ng direktiba sa mga field commanders na mag-imbestiga at alamin ang posibleng kinaroroonan ng guro.
Bumuo na rin ng task force ang Philippine National Police (PNP) upang malutas kaagad ang nangyari sa anak ni "Ka Parago."
Hinihinala ng mga militante at rebelde na ang pagpatay kay Pitao ay bahagi ng kampanya ng militar laban sa mga sibilyang aktibista.
Ang grupo ni “Ka Parago" ay sinasabing kumikilos sa buong rehiyong ng Davao - GMANews.TV