PEP: Ogie's movie with Juday conceptualized by Regine Velasquez
03/08/2009 | 04:20 PM
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ogie Alcasid habang hinihintay ang pagdating ng bago niyang leading lady na si Judy Ann Santos sa story conference ng first movie nila together, ang “OMG (Oh My Girl!)” ng Regal Entertainment. Ito ay ginanap kahapon, March 7, sa mezzanine floor ng Imperial Palace Suites along Tomas Morato sa Quezon City.
Nasulat na rito sa PEP na may gagawin ngang pelikula si Ogie na si Judy Ann ang makakatambal niya, pero nilinaw ng comedian-singer ang napabalitang ang girlfriend niyang si Regine Velasquez ang sumulat ng script.
"Hindi naman script ni Regs, concept lang niya," pagtutuwid ni Ogie. "Ipinatawag kasi ako ni Mother Lily at sabi niya, gusto niya ‘yung isang romantic comedy na isang ordinary guy falls with a beautiful girl. Gusto raw ni Mother, isang naiibang story naman. Yun, tinawagan ko si Regs, sabi ko, igawa niya ako ng story, pero wala pa akong leading lady. Sabi niya, 'Ngayon na ba?' Yes, sagot ko. Mag-iisip daw siya. Maya-maya, after five minutes, sabi niya, meron na raw. Ang bilis!
"Actually, nang makipag-meeting uli ako kina Mother Lily at Roselle [Monteverde-Teo], tatlong concepts ang ibinigay nila. Pero itong concept ni Regine ang nagustuhan nila, at 'yon, ibinigay na nila sa scriptwriters, sila na ang nag-develop ng story. At sana nga, magustuhan ito ng mga manonood. It's a story about friendship na love will be found."
Paano pinili si Judy Ann para makatambal niya?
"Ako ang tumawag kay Juday. Di ba, friends naman kami niyan?" sagot ni Ogie. "Nagluluto siya nang sumagot sa tawag ko. Sabi ko, 'Friend, may movie akong gagawin. Ikaw sana ang gusto kong katambal.' Sabi niya ikuwento ko raw ang story. Ikinuwento ko, sabi niya kailan daw gagawin. 'Ngayon na,' ang sagot ko sa kanya. 'Maganda, sige, go!' Iyon na, nag-pictorial na kami at si Direk Dante Nico Garcia nga ang napili naming magdirek, his first commercial movie after ‘Ploning.’"
"Sa March 25 kami magsisimulang mag-shooting, at may mga eksena kaming kukunan sa amin sa Taal, Batangas. Sabi ni Mother Lily, sa June daw ang showing namin. May nagbiro nga na baka raw kasabay ng wedding nina Juday at Ryan Agoncillo, ewan ko, basta excited na akong magsimula ng shooting ng movie," saad ni Ogie.
Ayon pa kay Ogie, nakagawa na raw siya ng theme song ng movie nila ni Juday na ang title ay "Walang Iba," pero hindi pa raw niya naire-record.
FRANCIS M. Naitanong din kay Ogie ang tungkol sa pagyao ng kaibigang si Francis Magalona noong Friday, March 6. Isa si Ogie sa mga unang kaibigan ni Kiko na dumating sa Medical City, kung saan na-confine ang Master Rapper bago siya bawian ng buhay.
Inabutan pa ba niyang buhay ang kaibigan?
"Hindi na, pero he's still warm nang hawakan ko siya pagdating ko sa hospital," malungkot na sabi ni Ogie. "Si Bitoy [Michael V] ang tumawag sa akin after 12 noon at ibinalita niyang wala na nga raw si Kiko. Pumunta agad ako sa hospital, kami ni Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista ang dumating agad doon."
Ano ang naaalala niya kay Kiko ngayong wala na ito?
"Lahat ng tungkol sa kanya, naaalala ko," sagot ni Ogie. "Huli kaming nagkausap ni Kiko, siguro mga November 2008 pa 'yon. He's very strong at akala ko nga, tuluy-tuloy na ang paggaling niya.
"Tatlong movies din ang nagawa namin noon: ‘Ano Ba 'Yan?’ with Vic Sotto, tapos ang ‘Mama's Boy 1 and 2’.
"Naalaala ko minsan na umiinom pa siya noon, sabi niya, dapat daw ay alagaan namin ang mga katawan namin at alam ko, nawala na ang pag-inom niyang 'yon noon pa. May ginawa rin kaming album noon, ang ‘On Air’, at ginawa niya ang song na ‘Habang Panahon’."
Siya ba ang nagsabi kay Regine ng pagyao ni Kiko?
"Yes, may taping nga siya ng ‘Totoy Bato’ kahapon," sabi niya. "Alam ba ninyong magpinsan sila ni Kiko, sa mother side ni Regine? Siya pa nga ang nag-alala sa akin dahil alam niyang very close kami ni Kiko."
Naikuwento rin ni Ogie na a few weeks ago, matapos nilang mag-high school class reunion, may ginagawa siyang song na para sa mga classmates and teachers nilang pumanaw na.
"Naisip ko lang gumawa ng song, na parang tribute ko sa kanila. Alam ba ninyong kahapon ko lang 'yon natapos isulat? After a few minutes, natanggap ko ang tawag ni Bitoy na wala na si Kiko," sabi ni Ogie. - Philippine Entertainment Portal