Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pia remains strong despite Francis M's death


MANILA, Philippines – Nananatiling matatag Pia Arroyo-Magalona, ang maybahay ni Francis Magalona, sa kabila ng pagpanaw ng Master Rapper. Sa panayam sa "Showbiz Central," ang showbiz na programa ng GMA sa Linggo, tinanong ng host na si Pia Guaniano kung papaano ito nakaya ni Pia. "For starters, siguro I’m just really this kind of a person, lalo na ever since na nagkaroon ako ng mga anak. It's like always I put my children or even other people first before me, kasi parang it's become natural for me na, if I am a good example to others, parang it makes everything easier to get through diba?" sagot ni Pia. Pumanaw si Francis sa edad na 44 noong Biyernes ng hapon. Ayon sa isang doctor, ang ikinamatay ni Francis ay "secondary to severe sepsis and secondary to pneumonia." Nagsimulang napabalita na maysakit na leukemia si Francis noong nakaraang taon lamang. Ayon sa mga taga-hanga malaki ang naging impluwensya ni Francis sa buhay nila. Pinagplanuhan ba ito ni Francis? "Si France – nothing is ever done is with purpose," ang sagon ni Pia. "Hindi niya sinasadyang ganon. Basta ganon lang siya talagang klaseng tao. Talagang mahilig siya sa rap. Maybe it’s a gift a poet din siya so nakaka-express niya yung sarili niya by saying. Suguro inapply nga niya by Philippine culture." Ayon kay Pia, kahit na sa rap nakilala ang kanyang asawa, mas nangingibabaw sa mga musika nito ang pagmamahal sa bansa: "It’s more of the message. It’s his love for his country. Nakikita niya na hindi naman kailangan maging down yung mga kababayan nga niya. There’s a way para ibangon yung sarili mo by starting with yourself. And that happens in your dreams. And yan lagi yung sinasabi na pursue your dreams and yan nga yung ginawa niya and everything just fell into place. Nabansagan siya ng rap, iba ang ginawa niya sa music it’s not just plain rap." Isa sa mga humanga kay Francis ay ang dating Pangulong Corazon Aquino, na bumisita noong Sabado sa burol niya. Bilang isang tao na may karamdamang cancer, ani Pia, humanga raw si Mrs. Aquino sa nakita niyang paglaban ni Francis sa kanyang sakit at sa pagpapasa-Dios ng kanyang buhay. "It was because of that – because she’s also dealing with cancer," ani Pia. - Aie Balagtas See, GMANews.TV