Filtered By: Showbiz
Showbiz

Wife grateful for Francis M's posthumous honor


Nagpasalamat si Pia-Arroyo Magalona, biyuda ng nasirang si Francis Magalona, sa karangalang igagawad ng gobyerno sa yumaong asawa. “Masasabi ko lang maraming salamat and ine-expect ko na dapat talaga nila siyang parangalan dahil sa, it's more than 'Mga Kababayan' ang kanyang pagkamahal sa ating bansa at sa pagka-Pilipino,” sabi ni Pia sa panayam sa kanya sa “24 Oras.” Hiling pa ni Pia na alamin sana ng mga tagahanga kung gaano kamahal ni Francis ang bansang tinubuan. “So beyond that, alamin pa ng mga tao sana kung gaano talaga kalalim 'yung pagmamahal ni Francis sa pagka-Pilipino, hindi lang dito sa ating bansa kung hindi all over the world,” aniya. Inihayag ng Malacañang nitong Linggo na gagawaran nila ng Presidential Medal of Merit si Fancis sa pagtataguyod nito ng nasyonalismo at pagmamahal sa bayan gamit ang kanyang mga awitin. Pumanaw ni si Francis noong Biyernes dahil sa mga komplikasyon bunsod ng sakit niyang Leukemia. Kasalukuyan siyang nakaburol sa Christ the King Memorial Chapel sa Green Meadows sa Quezon City. - GMANews.TV