Filtered By: Showbiz
Showbiz

Geoff Eigenmann returns to Kapuso network


Ganap na uling Kapuso ngayon ang heartthrob na si Geoff Eigenmann matapos itong pumirma ng exclusive contract sa GMA Network. Naging mainit ang pagtanggap sa pagbabalik ni Geoff sa GMA Network kung saan kabilang sa mga dumalo sa contract signing niya sina GMA Chairman, President at COO Atty. Felipe Gozon; GMA EVP and COO Gilberto Duavit, at SVP for Entertainment TV Wilma Galvante. Nandoon din sa contract signing ang manager ni Geoff na si Perry Lansigan at ina niyang si Gina Alajar, na isang premyadong aktres. “I’ve been waiting for this day talaga. So, it's good to be back finally, ready to do best, ready to prove that I belong here,” pahayag ni Geoff sa Chika Minute portion ng "24 Oras" nitong Huwebes. Unang magiging project ng guwapong aktor ang drama anthology SRO cinema serye kung saan makakasama nya sina Marvin Agustin, Maxene Magalona at Sheryl Cruz. - Fidel Jimenez, GMANews.TV