Filtered By: Showbiz
Showbiz

Vicky Belo denies seeing ex-bf Hayden in US


Itinanggi ni Dra. Vicky Belo na nagkita sila ng kanyang dating boyfriend na si Dr. Hayden Kho sa US nang magtungo siya roon para sagutin ang reklamo ng isa niyang naging pasyente. Sa Chika Minute portion ng "24 Oras" nitong Martes, sinabing may posibilidad nga na masira ang mukha ng pasyente ni Dra. Belo na sumailalim sa prosesong tinatawag na “Thermage" dahil hindi nito nakumpleto ang proseso. Nakabase kasi sa US ang naturang pasyente kaya hindi umano nito natapos ang buong preseso ng naturang beauty treatment. Nag-alok raw noon si Dra. Vicky na sasagutin ang pamasahe at tirahan ng pasyente bumalik lang sa Pilipinas para masuri, pero tumangggi raw ito. Kasabay nito, itinanggi ni Dra. Belo ang mga ulat na nagkita sila ng kanyang ex-BF na si Dr. Hayden sa Glendale, California sa US. Ayon sa duktora, imposible raw na may nakakita sa kanya sa isang mall sa Glendale dahil sa Beverly Hills lang siya nag-stay sa US. Inamin naman niya na nanatili silang magkaibigan ni Dr. Hayden matapos ng maingay nilang paghihiwalay. “I have a track record that I always be friend with my ex. You know naman my ex-husband is my best friend," ayon sa duktora. - Fidel Jimenez, GMANews.TV