Filtered By: Showbiz
Showbiz

Michelle Madrigal and Bianca King: 'We’re not bad girls in real life'


MANILA, Philippines – Itinanggi ng bad girls of telenovela na sina Bianca King at Michelle Madrigal na bad girls din sila sa totoong buhay. Sa interview sa "Showbiz Central" nitong Linggo, pinabulaanan ng dalawa kay host Raymond Gutierrez na bad girl sila lalo na kapag may gimmik sila sa gabi. Ayon kay Bianca, hindi na nga raw siya masyadong lumalabas dahil focused siya sa kanyang trabaho at pag-aaral. "Hindi na nga ako lumalabas," ani Bianca. "At tsaka scholar [ako] in school – and I recently became just first honor. So sa last two years in my life and inaatupag ko lang talaga yung pagaaral ko at pag tatrabaho. Hindi na talaga ako nakakalabas o gumigimik." Kung makita man daw siya ng publiko sa mga events, ito ay bahagi ng kanyang trabaho. Si Michelle naman ay aminadong gumigimik, pero pinaliwanag niya "responsible" siya sa kanyang galaw tuwing lumalabas. "Para sa akin, responsible ako," ani Michelle. "Hindi ako nagkakalat kapag lumalabas ako. Siyempre alam ko artista ako. Alam ko kung ano ang dapat kong gawin pag nasa labas. Kapag may work naman ako, dumadating ako on time." Si Bianca at Michelle ay dalawa sa tatlong leading lady ni Richard Gutierrez sa bagong telenovela ng GMA Network na "Zorro." 'Di tulad ng dati, good girls ang role ng dalawa sa show na ito. Umapela rin ang dalawa sa mga taong kumukwestyon sa pagkakapili sa kanila para maging leading ladies. "After five years of being loyal to the network and not being choosy to the roles tinanggap ko lang siya," ani Bianca. "Sana ganon din ang ibang tao. Sana they [will] just be happy na lang for us." Ganoon din ang sabi ni Michelle. Dagdag pa niya na papatunayan nila sa mga tao na karapatdapat silang gumanap sa mga roles na ito. "Para sa amin pinaghihirapan namin and i-prove namin na karapatdapat kami sa role na binigay sa amin," ani Michelle. Aie Balagtas See, GMANews.TV