Filtered By: Showbiz
Showbiz

Motherhood becomes Angelika dela Cruz


Last March 20, Friday, at around 10 a.m., isinilang ni Angelika dela Cruz ng kanilang first baby ng asawang si Orion Casareo sa UERM Hospital sa Sta. Mesa, Manila. Pinangalanan nilang Gabriel "Gabby" Casareo ang kanilang panganay. Ipinakita sa Showbiz Central ang mga unang larawan ni Gabby paglabas pa lamang nito sa sinapupunan ni Angelika. Hindi napigilan ni Angelika na mapaluha sa kaligayahan pagkakita sa kanyang baby boy. Through a phone-patch interview, live na nakausap ni Raymond Gutierrez si Angelika sa UERM Hospital. Unang tinanong ni Raymond sa aktres kung kumusta ang pagiging first-time mom niya. "Naku, ang sarap! Ang sarap-sarap pala! Sobra!" bulalas ni Angelika. Hindi raw naging madali ang pagle-labor ni Angelika. "Naku, matagal! Dinala ako sa hospital 10:30 ng gabi [ng March 19], lumabas si Gabby, 10:00 na rin ng umaga [ng March 20]." Kumusta naman si baby Gabby? "He is a big baby. Kagagaling ko lang sa nursery kanina. Pinuntahan namin siya ni Orion, binuhat namin siya. Ang cute! Ang cute-cute! Ang puti-puti!" masayang paglalarawan ni Angelika sa kanyang baby. Sino naman ang kamukha ng bata? "Parang hati, e. Hating-hati ang hitsura niya." Wala pa raw definite date para sa binyag, pero ang church wedding daw nilang mag-asawa ay tuloy na tuloy na. "Yes, yung binyag kasi paplanuhin pa namin. Pero siguro mga three to four months from now. Tapos yung church wedding kasi namin, inaayos pa namin, so December 4," saad ni Angelika. Ano ang wish ni Angelika para kay Gabby? "Siyempre, gusto ko lang naman maging healthy at happy baby siya, 'yun lang. Yun lang talaga. Sobrang overwhelmed pa ako ngayon. Sobrang saya! Mahirap magsalita, kasi talagang punung-puno pa ng mga feelings na hindi mo ma-explain." Any plans for a showbiz comeback? "Yeah, meron pa akong two soaps na kailangang gawin sa GMA-7," sabi ni Angelika. "Siguro magre-rest lang ako ng sandali and then puwede na akong mag-taping. Pero hindi talaga 'yung sagaran. Siyempre, magbibigay talaga ako ng time para kay baby Gabby." - Philippine Entertainment Portal