Filtered By: Showbiz
Showbiz

Iwa Moto clears live-in issue with boyfriend


Ngayong unti-unti na raw natatanggap ni Iwa Moto ang pagpanaw ng ama sa Japan, may inamin ang dalaga tungkol sa mga intriga na nakikipag-live in na siya sa kanyang non-showbiz boyfriend. Sa Chika Minute portion ng "24 Oras" nitong Huwebes, sinabi ni Iwa na ang kapatid niya ang pupunta sa Japan para kunin ang abo ng pumanaw nilang ama para dalhin ito sa Pilipinas. "We'll going to build an altar sa bahay [para] nand'un lang siya, para he's always there with us, nakikita pa rin niya kami," ayon sa sexy Kapuso star. Sa panahon daw ng kanyang pagdadalamhati, ang kanyang boyfriend daw na si Miki ang kanyang naging karamay. Kaya naman labis-labis ang pasasalamat niya sa nobyo sa ginawang pag-alalay sa kanya. Pero tinawanan lang niya ang mga balita na nagpakasal na sila. Maaaring nagsimula raw ang tsismis nang marinig ng ibang tao na tinawag niyang asawa si Miki. "Kapag nagmukha na kong losyang, 'pag nagmukha na kong nanay, 'pag nagmukha na kong may asawa, ibig sabihin may asawa na ko. Eh mukha na ba kong losyang ngayon? Nakakalabas pa nga ako," natatawa nitong pahayag. Pero totoo nga bang nagli-live in sila ni Miki? "Nasa QC [Quezon City] siya, nasa Las Piñas ako. 'Pag madaling araw minsan, oo natutulog ako sa kanila, pero katabi ko mommy niya," paglilinaw ng dalaga. - GMANews.TV

Tags: iwamoto