Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ara Mina wants current boyfriend to be Mr. Right


Matagal na raw gustong i-guest ng Showbiz Central para sa "Don't Lie To Me" segment si Ara Mina at finally nga ay naganap ito last Sunday, with John “Sweet" Lapus interrogating Ara, na ngayo'y balik-Kapuso star na naman via her afternoon series na Dapat Ka Bang Mahalin? Inusisa ni Sweet kung bakit daw ang tagal bago niya napagbigyan ang Showbiz Central na mag-guest siya for "Don't Lie To Me," to think na magtu-two years na raw ang naturang segment. Natawa si Ara at sumagot ng, "Wait, palagi ko kayong pinagbibigyan!" May phobia raw ba si Ara? "Hindi naman, takot ako sa mga injections, takot ako sa mga kuryente, so, parang feeling ko makukuryente ako rito." Sabay sabi nito ng, "Two years na ba ang 'Don't Lie'? Oh, I see...So, I'm here na." First Question: Pinag-uusapan ang intimate love scene niyo ni Aljur Abrenica sa Dapat Ka Bang Mahalin, napansin mo bang nagselos ang kayang ka-love team na si Kris Bernal? "No," ang mabilis na sagot ni Ara at truth naman ang lumabas na resulta. Ayon nga kay Ara, "Sabi kasi sa akin ni Kris, alam niyo Ms. Ara, kapag ka-eksena kayo ni Aljur, hindi siya makapagsalita.. Parang very open sila..." Ang alam daw ng karamihan, nagliligawan pa lang ang dalawa, say ni Sweet, "Sa palagay mo nagliligawan pa lang or sila na?" Nagkomento muna si Ara tungkol kay Kris bago nito sinagot ang tanong ng PEP blogger, "Lately, hindi kami ano, eh, kailan lang kami nagka-eksena ni Kris. Sabi ko, parang naa-underestimate ko siya. Sabi ko, paano kapag nagsampalan na kami, baka isang kamay ko lang maano ko na siya, eh, kasi sobrang payat niya, skinny. So, nagulat ako sa isang scene namin, ang lakas pala. "Yung pagkakamabutihan, hindi ko tinatanong, eh...Pero, sweet sila." Second Question: Ayon sa 'yo, ang iyong boyfriend ay isang Certified Public Accountant at isang pribadong tao, pero walang video, picture na lumalabas ang nasabing boyfriend mo sa TV, sa tabloid, sa radio, sa PEP, sa magazine or kung saan man...Kaya marami ang nagtatanong, press release mo lang ba na may boyfriend ka ngayon? Mabilis na "no," muli ang sagot ni Ara at ang resulta naman ay truth. No pa rin ang sagot ni Ara nang tanungin ni Sweet kung puwede raw bang ibigay na nito ang pangalan. Nang usisain siya kung ang desisyon ba niya ang pagtatago ng pangalan ng boyfriend, ang sabi ni Ara, "Well, before, ako ang unang nagsabi. Gusto ko para to save our relationship...Iba eh, hindi siya showbiz. Yes, I'm a public figure but I have the right naman i-keep at gawing private ang lovelife ko because he's not from showbiz. He's a private person and ngayon, they are thanking me na ginagawa ko, kasi, maganda raw ang ginagawa ko." Follow-up question ni Sweet, "Yung family niya, na-meet mo na? Mga kaibigan niya?" Ang sabi ng aktres, "Yes, I'm very close with his mom, his dad and his brothers and sisters, lahat ng friends niya...Na-meet na rin niya ang family ko. At first time na walang negative comment ang mommy ko. First time na maganda ang comment ng mommy ko about him. I'm sure naman, marami ang nakakakita sa amin na lumalabas at hindi kailangan na..." Third Question: Mukhang nahanap mo na si Mr. Right, totoo ba na plano niyo ang magpakasal ng iyong boyfriend? Again, Ara answered no, and this time, the result is a lie. Ang apela niya, "Hindi ko alam, wala talaga. Hindi ko alam kung naba-vibes ba niya ang future. Wala pa talaga sa plano . Pero kung ako ang tatanungin, parang gusto ko, kung magse-settle down ako, with him." Pero kung magpapakasal ka, nakikita mo naman na ito ang gusto mong pakasalan? "Yes," ang mabilis na sagot ni Ara. "I'm happy with my life now. I'm happy with him. Sobra akong...kapag kasama ko siya, nakakalimutan mo yung magulo mong mundo sa showbiz. Minsan, maganda rin yung naba-balance mo ang life mo and he's very understanding. Napakaganda ng upbringing ng family niya sa kanya and very responsible." Sabay sabi nito sa boyfriend nang, "I'll see you later." Tanong ni Sweet, naiintindihan daw ba ng boyfriend ni Ara ang mga sexy scenes niya with Aljur at sa gagawin pa niyang indie films? Sagot ng balik-Kapuso star, "Yeah, okey lang sa kanya. One time nga pinapanood ko pa sa kanya ang Totoy Bato. Namatay ako run 'tapos sabi niya, patayin mo na 'yan, patayin mo na, ayoko. So, sabi ko, bakit, hindi ka nagandahan? Hindi, ano eh, namatay ka, eh...Affected siya. So, sabi ko, ano ba, role lang 'yan." Sa huli, sabi pa ni Ara, "You know what, kung magpapakasal ako, nag-propose na sa akin and engaged ako, sasabihin ko, I'll be proud!" Sa tatlong tanong, Ara only got one lie. - Philippine Entertainment Portal

Tags: aramina