Filtered By: Showbiz
Showbiz

Charice Pempengco wows Muhammad Ali in US


Kababalik lang sa Pilipinas ng batang singing sensation na si Charice Pempengco mula sa US. Excited niyang ikinuwento ang kanyang special appearance sa isang Hollywood movie at pagkanta sa tribute para kay boxing legend Muhammad Ali. Sa Chika Minute ng “24 Oras" nitong Martes, ikinuwento ni Charice ang kanyang cameo role sa pelikulang “Alvin and the Chipmunks." Sinabi ng young star na makakalaban niya ang isa sa mga Chipmunks sa singing contest. Aminado si Charice na na-challenge siya sa kanyang first movie acting na pang-Hollywood pa. “Nung ma-try ko first Hollywood movie ko po, parang naisip ko na siguro isa na ‘to sa dapat na isama sa goal ko," ayon kay Charice. Nakasama naman ni Charice sa Celebrity Fight Night tribute kay Ali ang mga malalaking pangalan sa US music industry na sina Jon Bon Jovi at Josh Groban. Pagmamalaki ni Charice, tanging siya lamang ang nakapagpangiti kay Ali. “Yung pong ‘Billy Jean’ ginawa ko po ‘yung famous move niya nang nagba-boxing pa siya, ‘yung ‘Ali shuffle’," masayang kuwento ni Charice. “Nung pagdating ng ‘I Will Survive,’ tumalon ako ng stage then umakyat ako ng table sa harap niya. Tapos hinawakan ko ‘yung kamay niya. Nakita ko umiiyak yung wife niya. Tapos nakita kong tuwang-tuwa siya. Then after ng kanta, tumayo siya then niyakap niya ako at hinalikan niya ‘k. Sabi niya, ‘that’s a moment’." - Fidel Jimenez, GMANews.TV