Mobile Alerts  Newsletter  RSS  Archives  About Us  Bookmark Us  Twitter GMANews.TV
Entertainment

GMA's Wilma Galvante sues Annabelle Rama for P7 million

Email the Editor Print | | More
MANILA, Philippines –Pitong milyong piso ang halaga ng damage suit na isinampa ni Ms. Wilma Galvante, senior vice president for Entertainment TV ng GMA, laban sa talent manager na si Annabelle Rama.

Pagpapatunay lamang ito ng pagiging matapat ng lady executive sa pinaglilingkuran niyang network dahil hanggang sa halaga ng kaso ay No. 7 pa rin ang kanyang pinili.

Tahimik na nagsampa ng kaso si Ms. Wilma sa Quezon City Regional Trial Court noong March 17. Sa kanyang 40-page civil complaint, isinalaysay ng GMA executive ang mga pananakot diumano ni Annabelle sa kanya sa pamamagitan ng media interviews at text messages.

Hiniling ni Ms. Wilma sa korte na pigilan si Annabelle Rama sa pananakot sa kanya at maglabas ng restraining order para hindi makalapit si Rama, within 50 meters, alang-alang sa kaligtasan niya.

Ikinuwento ni Ms. Wilma sa sinumpaang salaysay na nakatanggap siya ng mga malisyoso at masasakit na salita mula kay Annabelle. Ito ay pagkatapos niyang kausapin si JC de Vera sa loob ng opisina niya sa GMA Network Center noong February 16.

Talent ni Annabelle si JC. Matatandaan na umiyak ang aktor sa story conference ng SRO Cinemaserye (dating Obra) sa 7th floor Concept Room ng GMA Network Center nang malaman niya na ipinatatanggal siya ng kanyang manager sa nabanggit na show.

Dahil sa pagluha ni JC, nagpasya ang mga executive ng GMA na sina Ms. Redgie Magno at Ms. Lilybeth Rasonable na ipasok ang aktor sa opisina ni Ms. Wilma para hindi makita ng ibang mga tao ang kanyang pag-iyak.

Pinaratangan ni Annabelle ng "harassment" si Ms. Wilma dahil diumano tinakot si JC ng lady executive.

Ipinagtapat ni Ms. Wilma sa kanyang complaint na dahil sa "violent streak" ni Annabelle ay nagkaroon daw siya ng pangamba na posibleng totohanin ng huli ang banta na pananakit sa kanya.

Binanggit ni Ms. Wilma sa complaint niya na nakatanggap siya ng text message mula kay Rama noong Feb. 16. Bukod sa tinawag siya na "traydor" ay nagbanta diumano si Rama na gagantihan siya.

Kinabukasan, Feb. 17, napagtanto ni Ms. Wilma na ang mga text message na natanggap niya ang umpisa ng mga malisyosong pahayag upang wasakin ang kanyang reputasyon.

Ipinahayag ni Ms. Wilma na sa ilalim ng Civil Code of the Philippines, kailangang igalang ang dignidad, personalidad, privacy, at kapayapaan ng isip ng bawat isa at ang lahat ng ito ay nilabag ni Annabelle sa pamamagitan ng malisyosong aksyon na labag sa batas.

Hiniling ni Ms. Wilma sa korte na ipagkaloob sa kanya ang limang milyong piso (P5 million) bilang moral damages, P1.5M (exemplary damages), at P500,000 para sa legal fees.

Annabelle's reply

Tinawagan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) nitong Miyerkules si Annabelle upang kunin ang reaksiyon niya sa kaso na isinampa ni Ms. Wilma sa kanya.

Ayon kay Annabelle, hindi siya natatakot kay Wilma at handa siyang harapin sa korte ang kaso na isinampa laban sa kanya

"Matagal ko nang hinihintay ang demanda niya sa akin. Alam ko na 'yan. Inaasahan ko 'yan. Siya ang nag-umpisa ng away. Haharapin ko siya.

"Ang tanging kasalanan ko lang, eh, ipinagtanggol ko ang mga talent ko, sina Heart Evangelista at JC de Vera. Pupunta ako sa Huwebes [April 2] sa Quezon City Regional Trial Court Branch 95 para sagutin ang mga bintang niya sa akin," ang pahayag ni Annabelle sa PEP. - Philippine Entertainment Portal
Email the Editor Print | | More
Other Entertainment stories
PEP: Dingdong Dantes says Dennis Trillo a good choice to host Starstruck V
11/21/2009 | 01:42 PM
Aprubado kay Dingdong Dantes ang pagkakapili kay Dennis Trillo bilang kapalit niyang host sa nagbabalik na reality based artista search ng GMA 7 na StarStruck. More
Jennifer Lopez, Adam Lambert get ready for American Music Awards
11/21/2009 | 11:58 AM
Jennifer Lopez plans to include fireworks and an on-stage costume change in her performance at the American Music Awards. "American Idol" runner-up Adam Lambert will incorporate leather and chains... More
Drug in Michael Jackson case came from Las Vegas
11/21/2009 | 11:55 AM
MichaelJackson's doctor bought a powerful anesthetic in Nevada and had it shipped to California, where it was found at the pop singer's bedside after he died, court documents released... More
Britney's ex-bf, Adnan Ghalib, gets 45 days in jail
11/21/2009 | 11:43 AM
LOS ANGELES — Britney Spears' ex-boyfriend Adnan Ghalib is being sent to jail for 45 days for leaving the scene of an accident. More
TV stations scratch their heads as Oprah bids farewell
11/21/2009 | 09:56 AM
Oprah's departure starts an 18-month clock for television executives to find a way to fill the space left behind after the end of the most successful daytime talk show in television history. More
‘It was beautiful, peaceful,’ says wife on Johnny Delgado’s passing
11/20/2009 | 11:34 PM
Sa kabila ng kalungkutan, nagkuwento si Direk Laurice Guillen tungkol sa mga huling araw ng kanyang kabiyak na si Johnny Delgado na pumanaw sa sakit na kanser nitong Huwebes. More
Top SKorean model found dead at Paris apartment
11/20/2009 | 08:43 PM
SEOUL, South Korea – A top South Korean model who was a fixture at fashion week in Paris and London was found dead at her apartment in Paris, an official said Friday. More
End of an era: Oprah ending show after 25 years
11/20/2009 | 08:33 PM
CHICAGO – Oprah Winfrey was set to announce Friday that her powerhouse daytime television show, the foundation of a multibillion-dollar media empire with legions of fans, will end its run in 2011... More
PEP: Mocha comments about 'affair' of her kissing partner Krista with Pacquiao
11/20/2009 | 04:19 PM
May mga humihingi umano ng comment kay Mocha about Krista Ranillo's rumored affair kay Manny Pacquiao. Matatandaang na-involve sina Mocha at Krista sa isang kissing video scandal noon at... More
ADVERTISEMENT
Pacquiao hinamon magsalita tungkol sa ‘relasyon’ kay Krista Ranillo
2009-11-19 23:17:02
MANILA – “Tototoo o hindi." Ito ang sagot na nais marinig ng mga babaeng kongresista kay...
EU extends antitrust review of Oracle's takeover of Sun Microsystems
2009-11-20 20:24:25
BRUSSELS - European Union regulators said Friday that they have extended until January 27...
Attacks get nasty as Noynoy maintains high survey ratings
2009-11-21 05:08:09
Pag hitik ang puno, binabato ang bunga. (Kids throw stones at a tree heavy with fruit.)...
Pacman’s help sought by anti-mining groups
2009-11-20 17:07:23
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Banking on the world-renowned boxing champ’s closeness to Department...