Filtered By: Showbiz
Showbiz

GMA Exclusive: Joyce Jimenez confirms pregnancy


MANILA, Philippines – Excited si Joyce Jimenez na ikinuwento ang kanyang pagbubuntis. Kagagaling lang daw niya sa Los Angeles nang malaman na siya pala ay nagdadalang-tao. Agad daw siyang nagpadala ng ultrasound picture sa kanyang asawang si Paul Eli Egbalic. Babalik daw siya sa Los Angeles sa May 7. "I also want my husband to experience not just me giving birth but the whole process of me being pregnant, as well. Since this is our first baby, I will not take that away from him," sabi ng excited expectant mom. Mas excited pa nga raw ang kanyang mister dahil kahit nasa unang trimester pa lang kanyang pagbubuntis, madalas na raw itong bumibili ng mga gamit ng baby. Medyo pinipigil pa raw ni Joyce si Paul Eli dahil hindi pa raw nila alam ang gender ng kanilang magiging anak. "He wants a girl kasi cute daw, pero ako I want a boy kasi yung mga boys sweet sa kanilang mommy kapag lumalaki na sila," dagdag pa ni Joyce. Umiiwas na raw si Joyce ngayon sa paglabas para mag-party. Dahil nga nagdadalang-tao siya, hindi na raw siya pwedeng uminom ng alcoholic drinks at magpunta sa mga mauusok na lugar. Hindi naman idine-deny ng aktres na nami-miss niya ang gumimik, pero sulit naman daw ang sakripisyo para sa kanyang baby. Sa pantaha ni Joyce, mukhang mas malaking sakripisyo ang darating kapag may anak na raw sila. Handa daw niyang iwan ang showbiz kung sakaling magkakaroon ng conflict ang kanyang trabaho sa kanyang pamilya ngayon. "I’m not just working for myself. Priority ko ang asawa ko. Then when the baby comes out, siyempre may bago na naman akong priority. I cannot naman be selfish na puro trabaho na lang ang aatupagin ko," pagtatapos ni Joyce. - GMA News.TV
Tags: joycejimenez