Filtered By: Showbiz
Showbiz

Joyce Jimenez ready to quit showbiz for her baby


Tatlong buwan na ang baby sa sinapupunan ng sexy actress na si Joyce Jimenez, at nakahanda raw siyang iwan ang showbiz para sa kanyang pamilya. Sa exclusive interview ng entertainment reporter na si Nelson Canlas kay Joyce, sinabi ng aktres na nalaman niya ang pagdadalang-tao nang bumalik siya sa Pilipinas mula Los Angeles noong nakaraang buwan. Excited din daw ang kanyang asawa na si Paul Eli para sa kanilang first baby kaya naman pinapauwi na raw siya sa LA sa susunod na buwan. "I also want my husband to experience not just me giving birth but the whole process of me being pregnant as well. Since this is our first baby, I will not take that away from him naman," kuwento ni Joyce sa Chika Minute portion ng "24 Oras" nitong Miyerkules. Gusto rin daw ni Joyce na ma-enjoy ang pagbubuntis sa kanyang unang baby. Sa ngayon, hindi pa raw niya alam ang kasarian ng kanyang baby pero mas gusto raw niya na lalaki ang kanyang maging panganay. Aminado naman ang sexy actress na nami-miss niya ang mga gimik sa gabi na kasama sa kanyang isinakripisyo nang malaman ang kanyang pagdadalang-tao. “I can’t deny it. I miss it sometimes. But the sacrifices of why I can't are totally worth it,’ natatawa niyang kwento. Idinagdag ni Joyce na batid niya na mas malaki ang kanyang isasakripisyo kapag lumabas na ang kanyang baby, at nakahanda naman daw ang aktres na gawin ito kahit pa ang isakripisyo niya ay ang kanyang showbiz career. “My priority now is obviously my husband and now it will be my baby," aniya. “I’m not just working for me anymore. I have to think about ... may asawa na ako, may anak na ako. So I can’t be selfish just thinking about myself," aniya. - Fidel Jimenez, GMANews.TV

Tags: joycejimenez