Filtered By: Showbiz
Showbiz

Annabelle Rama to press own charges vs GMA exec Galvante


MANILA, Philippines – Nagsadya ng alas dos ng hapon noong April 1 ang talent manager na si Annabelle Rama sa sala ni Judge Henry Jean Paul Inting ng Branch 95 ng Quezon City Regional Trial Court. Kasama ni Annabelle ang kanyang legal counsel na si Agnes Maranan. Nagpunta si Annabelle sa korte para i-file ang urgent omnibus motion na huwag ipagkaloob ang temporary restraining order (TRO) application at very urgent motion to reset ang March 31 na hearing ng mag-asawang Wilma at Eleuterio Galvante Jr., ang mga plaintiff sa P7-million damage suit laban kay Annabelle. Sa report ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na lumabas noong March 31, nagsampa ng P7-million damage suit ang senior vice president for Entertainment TV ng GMA laban kay Annabelle noong March 17, 2009, sa Quezon City RTC. Ang pag-inhibit ni Judge Inting sa kaso ang unang ibinalita ni Annabelle sa media people nang lumabas siya mula sa courtroom. Ayon kay Rama, nag-inhibit si Inting dahil kaibigan nito ang asawa ng legal counsel ng mga Galvante. "Ira-raffle uli para mapunta sa ibang judge, kasi yung judge nag-inhibit siya dahil yung lawyer sa kabila, best friend niya yung asawa," sabi ni Annabelle. "Ka-golf niya, ka-tennis niya almost every day yung lawyer ni Miss Galvante. Yung lawyer, ka-golf ng judge at yung asawa ka-badminton niya. Kaya mahihirapan daw siya kung hawakan niya itong kaso, kaya bukas ira-raffle. Hindi ko pa alam kung saang judge mapupunta." Wilma started the fight Ayon kay Annabelle, ang lady executive ng GMA ang nag-umpisa ng away nila. Aniya: "Itong kaso na ito, inumpisahan ni Wilma at siya ang nag-umpisa ng away. Kasi ako, never akong nag-start ng away. Inumpisahan niya, inaaway niya ako for five years. Inumpisahan niya ako. Nananahimik na ako for almost one month. Hindi ko akalain na magpa-file siya ng case against me. "Ngayon, nag-file na siya against me. Lalabanan ko na siya. Hindi ko na ito uurungan. Ipaglalaban ko ang sarili ko. Ang feeling ko, parang inaapi-api niya ako kasi nasa mataas na posisyon siya, kaya lalabanan ko siya. Hindi ako uurong sa demandang ito. "I'm just here as a manager, to protect my talent. Kasi manager ako, e. Siyempre, kailangan kong ipagtanggol ang mga talent ko na feeling ko nadedehado at naaapi. Napunta ako sa kasong ito dahil sa pagtatanggol sa mga alaga ko." Wala raw kinalaman ang anak niyang si Richard Gutierrez sa kaso niyang ito kay Ms. Wilma. "Laban ito ng dalawang talents ko [JC de Vera and Heart Evangelista] na inaapi-api ni Wilma Galvante. Yun lang ang ipinaglalaban ko as a manager. This is my job, to fight for my talents! "Alam n'yo, may statement na si JC, makukuha n'yo na rin bukas. Tingnan ninyo doon kung sino ang tama, ako o si Wilma? Kayo na ang maghusga. Kapag mabasa ninyo ang aking affidavit bukas, pati kay JC, doon na kayo mag-iisip kung sino ang nagsasabi ng totoo. Kung ako o siya..." saad ni Annabelle. The P7-million case Nilinaw rin ni Annabelle na bagamat executive ng GMA si Ms. Wilma ay labas daw ang Kapuso network sa legal battle nila. "Against me ang kaso, pero kapag binasa mo, puwede ka naman kumuha ng kopya ng reklamo ni Wilma Galvante, hindi ito GMA na laban, ha? Ang kalaban ko si Wilma. Kung babasahin mo ang statement ni Wilma, yung umpisa pa lang, JC na kaagad. "Seven million peso damages? Hintayin mo ang sagot ko! Magpa-file kami bukas [April 2] ng mga 11:30 a.m. You can get my copy, doon na lang kayo kumuha ng information. Kasi ngayon, hindi pa ako pwedeng magsalita dahil ipa-file pa lang bukas. Mag-e-enjoy kayo bukas kapag nabasa ninyo," sabi ng Gutierrez matriarch. Patuloy niya: "Inaasahan ko ito, matagal na. May nagsabi na sa akin na hindi ko babanggitin ang pangalan kasi repsetadong tao siya at big boss siya. Sinabi niya sa akin na nagpaalam sa kanya si Wilma Galvante na kakasuhan ako. Pero ang maganda lang nito, hindi makikialam ang GMA, yun ang maganda diyan. "Laban naming dalawa ni Wilma. Kaming dalawa ang maglalaban-laban. Walang GMA na makikialam. Tama naman sila na kapag lumaban si Wilma sa akin, dapat hindi makialam ang station. "Kaso ito ni Wilma. Gusto niya ako labanan, gusto niya ako idemanda. Puwes, lalabanan ko siya. Hindi ako aatras," mariing sabi ng Annabelle. Ano naman ang reaksiyon ng kanyang pamilya tungkol dito? "Sabi nila sa akin, 'Mommy, ilaban mo' yan. Alam ko naman magaling ka diyan... Good luck.'" Hindi ba maaapektuhan nito ang talents niya na nakakontrata sa GMA? "Hindi pa nag-uumpisa ang hearing. Kapag nabasa ninyo ang aking countercharges, kayo na ang mag-isip kung tatanggalin ko o hindi ang mga talent ko sa GMA. Kayo na ang mag-isip. Basahin ninyo ang aking counter affidavit. Doon ninyo lahat malalaman. Kasi ngayon, hindi ako pwedeng magsalita. Hindi pa napa-file ng aking laywer [Agnes Maranan]." No settlement Wala ba siyang balak makipag-usap kay Ms. Wilma para maayos na ang anumang gusot sa pagitan nila? "Balak makipag-ayos? Hindi na! Unang-una, inumpisahan niya ang gulong ito, tatapusin ko! Laban kung laban! Hindi ako aatras. Hanggang saan ang kaya ko? Hanggang kaya ko, lalabanan ko siya! "Nanahimik na ako ng one month. Hindi na ako kumikibo kasi nakiusap sa akin ang GMA boss na hindi na ako magsalita. Hindi na dapat pagsalitain si Wilma. Ngayon, idinemanda niya ako. Lalabanan ko siya! "Kung gusto ko tumuntong sa GMA, tutuntong ako. Nandiyan ang anak ko, okey? Walang pwedeng magbawal sa akin. Hindi siya ang manager ng GMA. Kausap ko si Attorney [Felipe] Gozon, hindi ako bawal. Pero right now, hindi ako pumupunta, wala akong kailangan doon," sabi ni Annabelle. Text messages and threats Totoo bang nag-text siya ng kung anu-anong masasamang salita kay Ms. Wilma? "Bakit, alam ba niya na marunong ako mag-text?" buwelta ni Annabelle. "Hindi ako marunong mag-text, ah! Bawal ang text sa court. Hindi ba niya alam 'yon? Akala ko bright kamo siya? Bawal ang text sa court. She has to prove it to me na ako ang nag-text sa kanya. " Ano naman ang masasabi niya sa hiling ni Ms. Wilma sa korte na pagbawalan si Annabelle na lumapit sa kanya ng 50 meters? "'Day, granted, 'day! Ako na ang magde-decide, hindi ang judge. Granted, 'day! Wala akong kailangan sa 'yo Wilma Galvante at hindi ako kikita sa 'yo. Bibigyan mo ba ako ng pera? Baka ikaw ang lalapit sa akin para bigyan kita ng pera. Hindi ako lalapit sa 'yo, 'day!" ani Annabelle. Kaugnay ng kaso, nagsalita noong Miyerkules sa "24 Oras" si Alfredo Villamor, ang abogado nina Ms. Wilma at ang asawa nitong si Eleuterio Galvante. Ipinaliwanag ni Villamor ang panig ng kanyang mga kliyente tungkol sa isyu na hindi puwedeng makalapit si Rama sa GMA lady executive. "There were several statements made by Annabelle Rama to the effect na susugurin niya si Wilma Galvante o pag nakita niya, pagsasampal-sampalin niya. So since my client is entitled to her own safety, hindi na namin siguro hihintayin na gawin niya 'yon bago kami gumawa ng hakbang. "Although Ms. Wilma Galvante is the SVP of Entertainment TV, this is a case that GMA-7 has got nothing to do. It is purely a personal action, personal decision on the part of Ms. Galvante," saad ng abogado. - Philippine Entertainment Portal